Friday , April 4 2025

Club owner, tsuper todas sa ambush

072814 gun calamba laguna

LAGUNA – Patay sa ambush ang isang negosyateng nagmamay-ari ng club at ang kanyang driver nang tambangan ng riding in tandem sa harap mismo ng kanyang bahay sa Landmark Subdivision, Brgy. Parian, Calamba City, kahapon ng umaga.

Sa ulat na ipinarating kay Laguna Police Provincial director S/Supt. Romulo Sapitula, kinilala ang biktimang si Fedelinio Dejano, 52, may-ari ng Discovery Disco Club, residente ng Cataquez Subdivision, Brgy. Tagapo, Sta. Rosa, Laguna.

Si Dejano ay sinabing bise-presidente rin ng Laguna Thursday Civic Club (LTCC).

Patay din ang kanyang tsuper na kinilalang si alyas Puloy.

Tig-limang tama ng punglo sa ulo at katawan ang umutas sa mag-amo.

Bandang 5:30 a.m, papasok sa gate ng kanilang bahay ang biktima sakay ng Mitsubishi car, may plakang XBC-902 nang barilin ng mga suspek gamit ang kalibre .45 baril.

Tinangay ng mga suspek ang mga alahas, pera at mahahalagang gamit ng mga biktima sa kanilang pagtakas.

(Boy Palatino)

About hataw tabloid

Check Also

MNL City Run Presents Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ FEAT

MNL City Run Presents: Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ

Unleash Your Inner Champion, Run for a Cause! Get ready to lace up, push your …

Alas Pilipinas Maganda ang simula sa AVC Beach Tour

Alas Pilipinas Maganda ang simula sa AVC Beach Tour

NAGSIMULA ng maganda ang Pilipinas sa Rebisco Asian Volleyball Confederation (AVC) Beach Tour Nuvali Open …

NAITAS DOT magkaakibat para sa Takbo Para Sa Turismo

NAITAS, DOT magkaakibat para sa “Takbo Para Sa Turismo”

ANG National Association of Independent Travel Agencies (NAITAS) at ang Department of Tourism (DOT) ay …

Rosales Pangasinan Fire Sunog

Sa Rosales, Pangasinan
INA, 10-ANYOS PIPI-BINGING ANAK PATAY SA SUNOG MULA SA POSTE NG KORYENTE

ISANG 30-anyos ina at 10-anyos anak na babaeng pipi at bingi ang namatay sa sunog …

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

SUMIKLAB ang galit ng mga lokal na residente kaugnay sa viral video ng isang backhoe …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *