ni Letty G. Celi
HUWAG naman magalit si Claudine Barretto kasi walang katapusan ang mga pasabog niya laban sa ex-husband na si Raymart Santiago.
This time her new pasabog ay ang photo na naka-short, ipinakikita ang mga peklat at mga marka ng mga pasa sa katawan. Hindi na siya tumigil sa kahahalungkat ng mga lumang ebidensiya laban kay Raymart.
Teka, hindi kaya ang kahulugan ng ginagawa niya na hindi matapos- tapos ay dahil mahal pa niya si Raymart? Eh, dahil nainis na rin ito sa kanya kaya hindi na rin nito pinapansin ang ginagawa ni girl?
‘Ika nga, tulak ng bibig kapit ng dibdib. Sino ba naman ang matutuwa kay Claudine? Waley! dapat magdasal na lang siya, humingi ng tawad kay LORD GOD.. patawad Lord! Gayahin niya sina Aiko Melendez at Jomari Yllana, magkahiwalay pero walang ingay at pasabog.. mas edukada!!