Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Blackwater lalahok sa torneo sa Malaysia

NASA Malaysia ngayon ang Blackwater Sports bilang kalahok sa Penang Chief Minister Cup International Championships na gagawin hanggang Hulyo 29.

Pakay ng pagsali ng Elite sa torneo ay para maghanda sa una nitong pagsabak sa PBA bilang expansion team sa susunod na season.

Bukod kay coach Leo Isaac, team owner Dioceldo Sy at team manager Johnson Martines, kasama sa biyahe ng Blackwater sa Malaysia ang mga manlalarong sina Bacon Austria, Allan Mangahas, Hyram Bagatsing, Gilbert Bulawan, Gio Ciriacruz, Pari Llagas, Paul Zamar, Jericho Cruz, Juami Tiongson, Raul Soyud, Eddie Laure, Bambam Gamalinda at Aris Dimaunahan.

Hindi kasama si Danny Ildefonso sa biyahe dahil paso na ang kanyang pasaporte.

“Karamihan sa mga yan mga hindi nagagamit ng team nila, bagsak ang morale. So hopefully with the Malaysian trip, we can help these players gain back their confidence and self-esteem,” wika ni Sy sa panayam ng PTV Sports.

“This is part of our screening process. Dito na namin pipiliin ‘yung mananatili sa amin from our D-League team, tapos dun na namin i-decide `yung idagdag from the dispersal at yung makukuha namin sa draft,” dagdag ni Martines. (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …