Wednesday , November 13 2024

1.5-M katao naitala sa INC’s Centennial

072714 INC 100

PUMALO sa tinatayang 1.5 milyong indibidwal ang dumagsa sa Ciudad de Victoria sa Bocaue, Bulacan para sa centennial celebration ng Iglesia ni Cristo.

Ito’y batay sa crowd estimate na isinagawa ng Task Force Sentenaryo kahapon.

Nag-umpisa dakong 6 a.m. ang pagsamba sa pangunguna ng kanilang Executive Minister na si Eduardo Manalo sa loob ng Philippine Arena, itinuturing na higlight sa selebrasyon.

Nabatid na nagmula pa sa ibat ibang lugar, maging sa abroad ang mga nagtungo sa Ciudad de Victoria.

Dakong 12 ng hatinggabi ay nagkaroon ng fireworks display bilang hudyat sa pag-umpisa ng selebrasyon.

Ayon sa Task Force Sentenaryo, Sabado nang gabi nang mag-umpisang dumating ang mga kapatid sa Iglesia na piniling manatili at mag-tent sa labas ng arena dahil wala silang mga ticket.

Ang may mga hawak na ticket lamang ang pwedeng pumasok sa 55,000-seating capacity ng arena.

Bandang 2 a.m. kahapon nang magsimula silang pumasok sa arena.

Habang nagtayo ng malalaking screens sa labas ng arena para sa mga hindi nakapasok.

Sa tala ng Bureau of Fire Protection (BFP), mahigit 100 ang binigyan ng first aid sa Ciudad de Victoria.

Nagpadala na rin ng mga tauhan ang PH Red Cross sa Ciudad de Victoria. Mahigpit ang ipinatutupad na seguridad sa buong Ciudad de Victoria.

About hataw tabloid

Check Also

Money OVP Office of the Vice President

Sara Duterte unang VP na mayroong P500M confidential fund — OVP chief accountant

ni GERRY BALDO KINOMPIRMA ng chief accountant ng Office of the Vice President (OVP) na …

Biñan Laguna

Sa reklamong katiwalian  
10-ARAW PALUGIT NG OMBUDSMAN SA BIÑAN MAYOR

PINASASAGOT ng Ombudsman sa loob ng 10 araw si Biñan City, Laguna, Mayor Walfredo “Arman” …

PNP PRO3

Police presence pinaigting sa Gitnang Luzon, police outposts idinagdag para sa seguridad

PINAIGTING pa ngayon ng PRO3 PNP ang kanilang presensiya sa buong rehiyon sa ilalim ng …

Sa Nueva Ecija 2 TULAK, KASABUWAT DINAKMA SA DRUG DEN

Sa Nueva Ecija
2 TULAK, KASABUWAT DINAKMA SA DRUG DEN

ARESTADO ang tatlong indibiduwal, kabilang ang dalawang target-listed drug peddlers, sa loob ng isang makeshift …

arrest, posas, fingerprints

Kababayan ninakawan, pinagbantaan 2 Koreano timbog sa Parañaque

INARESTO ng mga awtoridad ang dalawang Korean national matapos ireklamo ng kanilang kababayan ng pagnanakaw, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *