Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

SONA ni Pnoy dapat 10 minuto lang (Dahil walang nagawa)

NANINIWALA ang mga militanteng grupo na walang dahilan para pahabain pa ni Pangulong Benigno Aquino III ang kanyang State of the Nation Address (SONA) sa Lunes.

Sinabi ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, dapat lima hanggang 10 minuto lamang ang talumpati ni Aquino dahil wala siyang nagawang makabuluhan para sa bayan.

Ayon kay Colmenares, totoong may nakasuhan at napakulong sa P10-billion pork barrel scam ngunit pawang kalaban sa politika ng administrasyon.

Inihayag ni Colmenares, maaaring dumiretso na lamang uli sila sa kalsada pagkatapos ng SONA para ihayag ang kanilang sentimyento.

MUKHA NI PNOY SUSUNUGIN SA SONA

MAGIGING highlight ang pagsusunog ng effigy ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa malawakang kilos protesta ng mga militanteng grupo sa Region 12 kasabay ng kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) sa Lunes.

Makikilahok ang grupong M-power na kinabibilangan ng mga manggagawa at mga indibidwal mula sa mga pribadong sektor, Kilusang Mayo Uno (KMU), Kadamay, Gabriela, Bayan Socsargen, Anakbayan, Karapatan at maging ang grupong Piston.

Napag-alaman, kasado na ang isasagawang kilos protesta habang nasa finishing touches na lamang ang effigy ni Pangulong Aquino na susunugin bilang pagtuligsa sa administrasyong Aquino.

Ang pagsunog ng effigy ng Pangulo ay isasagawa sa programa na inihanda ng nabanggit ng mga militanteng grupo.

Giit ng mga militante, dapat patalsikin si Aquino kasunod ng kontrobersyal na usapin sa Disbursement Acceleration Program (DAP).

P300-B PNoy SPF muling uungkatin

BUKOD sa kontrobersiyal na Disbursement Acceleration Program (DAP) ng Aquino administration, balak din ng militanteng kongresista na buksan muli at maimbestigahan ang pinagkagastusan din ng Special Purpose Funds (SPF) ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Una rito, hiniling ng Social Watch Philippines ang pagbuwag sa P310.1 billion SPF dahil maituturing itong ‘lump-sum’ o presidential pork barrel dahil walang detalye nang pinaglalaanan.

Sinabi ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, tuwing budget deliberations ay tinatanong nila ang SPF ngunit umiiwas dito ang ehekutibo.

Ayon kay Colmenares, dahil budget season ay tinitiyak niyang uungkatin at bubusisihin na nila nang husto ang SPF.

Ang SPF at DAP ay parehong nalikha sa pamamagitan ni Budget Sec. Butch Abad.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …