UMANI ng kontrobersiya ang bagong awit ng sikat na singer na si Lana Del Rey na F****d My Way Up To The Top makaraang amining may elemento ng katotohanan ang titulonito na bungad sa kanyang bagong album Ultraviolence.
Sa kabila ng pag-amin na marami siyang nakarelasyong seksuwal sa pagtatrabaho sa music industry, itinaggi din niyang nakatulong ito sa kanyang career.
Sinabi ng singer, na ang tunay na pangalan ay Elizabeth Grant, sa Complex: ‘Alam n’yo, nakasiping ko ang maraming lalaki sa industriya.
‘Subalit wala sa kanila ang nakatulong para makuha ko ang aking mga record deal. Na sadya namang nakaiinis.’
Dating engaged si Lana sa Jock rocker na si Barrie-James O’Neill, at sinasabi rin nagkaroon ng mga fling sa mga katulad nina Marilyn Manson, Asap Rocky at maging sa mang-aawit ng Guns ‘n’ Roses na si Axl Rose.
Gayon pa man, mauunawaan din naman ang masasabi niyang disappointment sa mga pangyayari, makatitiyak na hindi rin naantala o naging sagabal ito kanyang singing career.
Sa katunayan, ang kanyang bagong album ay nag-top sa music charts sa unang linggo pagka-release nitong buwan ng Hunyo.
Ito ang unang platter ng dating boarding school pupil na nakaabot sa pinakamataas na antas sa Billboard 200, na bumenta ng impresibong 182,000 kopya.
Ito rin ang pinakamalaking benta para sa isang female singer simula pa noong Disyembre 2013, nang bumenta ang self-titled album ng 310,000 kopya sa ikatlong linggo sa charts.
Hind ito ang unang pagkakataon na nagpataas ng mga kilay si Lana habang pino-promote ang kanyang latest release, gaya ng kanyang sinabi noong Hunyo na nais niyang patay na siya.
Nagbunsod ito ng galit na reaksyon mula kay Frances Bean, ang anak na babae ng tragic Nirvana star na si Kurt Cobain, na nag-tweet sa mga musikero na tigilan nang i-romanticize ang pagkamatay habang bata.
Kinalap ni Tracy Cabrera