Wednesday , December 25 2024

Kumusta Ka Ligaya (Ika-2 labas)

MALUPIT PA SA BAGYONG GLENDA ANG TUMAMA KINA DONDON AT LIGAYA NANG IPAHATAK NI TSERMAN ANG JEEPNEY

“Sino ba ang may-ari nito, ha?” sabi ng opisyal ng barangay sa pag-aalsa-boses.

“A-ako po, Tserman…” ang maagap na tugon ng driver-operator ng pampasahe-rong dyip.

“Sagabal po ang sasakyan n’yo sa daan… Pakialis po agad ‘yan, kundi’y ipa-re-wrecker ko ‘yan,” sabi pa ng barangay chairman sa matigas na tinig.

“O-opo, Tserman… Ngayon din po…”

Ipinahatak ng may-ari ang laspag at sira-sira nang sasakyan. Kung saan man ‘yun dinala ay walang kaide-ideya sina Dondon at Ligaya. Basta’t ang alam nila ay bigla na lang silang nawalan ng pahingahan at tulugan sa gabi.

Para kina Dondon at Ligaya ay tila isang malupit na bagyo ang dumaan noon sa makipot na Kalye Pinagpala. Kisap-mata lang ay nawalan agad silang dalawa ng kanlungan. Katwiran ng punong-barangay, kapag nagkaroon ng sunog doon ay mala-king istorbo ang sasakyang iyon sa trak ng bombero.

Naging bahagi na ng kanilang buhay ang sirang pampasaherong dyip na matagal natengga sa gilid ng kalsada. Doon nila naibukas sa isa’t isa ang nakaraang buhay ng kamusmusan.

Ganito ang naikuwento ni Dondon kay Ligaya:

“Para akong ipot na itinapon sa basurahan ng babaing nagsilang sa akin. Inampon ako ng mag-asawang walang anak. Kaya lang, noong magpipitong taon na ako ay natutong mambabae ang nagisnan kong ama, si Tatay Elmo. Bumagsak ang maliit niyang negosyo at naging magulo ang samahan nila ng nakilala kong nanay, si Na-nay Nora… hanggang sa tuluyang magkahiwalay silang dalawa…

“Nang mga panahon namang ‘yun ay ‘di na makapaglabada si Nanay Nora dahil sa pagkakasakit. At namatay si Nanay Nora… na ayon sa sabi-sabi noon ng aming mga kapitbahay ay dahil daw sa sobra-sobrang gamot sa baga na nilaklak niya. Walong taon na ako noon, grade three… Nahinto ako sa pag-aaral at napasama sa grupo ng mga kapwa batang namamalimos sa kalye.”

Kwento naman ni Ligaya kay Dondon:

“Isang taon pa lang namamatay ang tatay ko nang muling mag-asawa si Inay. Noon pa mang una ay madalas ko nang nahuhuling nakasilip sa aking silid ang lalaking kinakasama niya. Kaya pala, e, mayroong pagnanasa sa akin ang manyakis na step father ko. . .

(Itutuloy)

ni Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

BingoPlus Chelsea Manalo Feat

BingoPlus welcomes Miss Universe Asia Chelsea Manalo home

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, has always been supportive of Chelsea …

BingPlus PANA feat

BingoPlus empowers brand partners before the year ends

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, upheld the Christmas party of the …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *