Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Keanna, na-insecure sa BF dahil mas naging bida sa Magtiwala Ka

072714 KEANNA REEVES KEVIN MERCADO
ni Roland Lerum

NAUNA lang ng isang araw ang premiere night ng She’s Dating The Gangster sa Magtiwala Ka. Isang indie film directed by Joric P. Raquiza.

Sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang headliners ng She’s Dating… samantalang sina Keanna Reeves at Kevin Mercado ang mga bida sa huli. In real life, boyfriend ni Keanna si Kevin na 20 years old lang.

Hindi sumipot noong premiere night sa St. Francis Theater sina Keanna at Kevin. Bago ito, umugong ang intrigang nagtatampo raw si Keanna sa producer ng movie nila dahil mas malaki pa ang mukha ni Kevin kaysa kanya sa poster samantalang mas kilala siya at star pa!

Matagal-tagal na ring hindi gumagawa ng movie si Keanna. Tiyak na magugustuhan ito ng kanyang fans dahil dramatic actress siya rito. Tungkol sa supertyphoon Yolanda ito. Sa Basey, Eastern Samar ang setting nito. Sabi nga ni direk Joric sa stage ng magsalita: “Two weeks after ng typhoon Yolanda sa Basey, dumalaw ako at maraming patay ang nadaanan ko.” Naging emosyonal si direk nang magsalita.

In fairness, magandang obra ang Magtiwala Ka na palabas pa sa mga piling sinehan ngayon.

Sa premiere night naman ng She’s Dating… sa Megamall, dinumog ng fans nina Kathniel ang pelikula ng dalawang sikat na teenstars kahit bumabagyo-bagyo pa. Sa red carpet, grabeng makakapit sa bisig ni Danile si Kathryn. Para bang may aagaw kay Daniel kaya kapit-tuko siya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …