NILAMON ng apoy ang may 140 bahay sa sunog na naganap sa Parola Compound, Tondo, Maynila, iniulat kahapon.
Sa ulat ni FO2 Edilberto Cruz, ng Manila Arson Division, dakong 1:31 a.m., nang magsimula ang sunog na umabot sa ikalimang alarma matapos ideklarang fire-out dakong 5:55 a.m. sa Gate 20, Pier 2, Parola Compound, Tondo.
Mabilis ang pagkalat ng apoy dahil pawang gawa sa light materials ang mga bahay na nasa 250 pamilya ang nawalan nang tirahan.
Ayon kay Cruz, umaabot sa P1 milyon halaga ng ari-arian ang napinsala pero walang naiulat na nasugatan o namatay sa sunog na nagmula sa natumbang gasera. (L. BASILIO)