Sunday , November 3 2024

2 rookie cop nanapak ng kapwa-parak

NANGANGANIB na masibak sa serbisyo ang dalawang bagitong pulis nang bugbogin ang isa nilang kabaro sa loob mismo ng Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO).

Sina PO1 Joseph No-nato, 32, at PO1 Eduardo Ramos, kapwa nakatalaga sa Public Safety Company ng Camarines Sur PPO, ay inireklamo ng pambubugbog ni PO1 Ivan Carl Cariño.

Sa reklamo ni Cariño, duty siya sa gate ng CSPPO nang dumating si Nonato kasama si Ramos na kapwa lango sa alak.

Agad nilapitan si Ca-riño saka sinuntok at tinadyakan sa sikmura.

Nagawang makatakbo ng biktima at humingi ng tulong sa Naga City Police Office (NCPO) kaya nahuli si Nonato habang si Ramos ay nakatakas.

Nakalaya agad si Nonato matapos maglagak ng piyansa sa kasong physical injuries.

Iniimbestigahan ng pulisya ang dahilan ng pambubugbog ng mga suspek sa biktima.

Ayon kay SPO1 Toby Bongon, Spokesman ng CSPPO, sakaling mapatunayang nagkasala ay saka isasailalim ang dalawang suspek sa dismissal proceedings.

(Beth Julian)

About hataw tabloid

Check Also

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Rolando Valeriano Rodrigo Duterte

Hindi bayani o diyos  
DUTERTE SALOT — SOLON

ni Gerry Baldo TAHASANG sinabi ng isang kongresista mula Maynila na hindi isang bayani o …

Bulacan Police PNP

Sa crackdown vs ilegal na droga  
21 TULAK TIKLO SA BULACAN

ARESTADO ang 21 pinaghihinalaang mga tulak ng ilegal na droga sa pinaigting na operasyon ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *