Tuesday , November 5 2024

PNoy 5th SONA handa na — Palasyo

HANDANG-HANDA na si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa kanyang ika-limang State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo 28, 2014.

Kahapon, may isa pang round ng meeting si Pangulong Aquino sa kanyang speechwriters para plantsahin ang kanyang talumpati.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, nananatiling ‘work in progress’ ang SONA ni Pangulong Aquino at maaaring may mababago pa sa ‘last minute’ ng paghahanda.

Ayon kay Valte, abangan na lamang ang mensahe ni Pangulong Aquino sa araw ng SONA na siya mismo ang personal na gumagawa.

Dagdag ni Valte, agad nilang ilalabas sa ginawang website ang speech ni Pangulong Aquino makaraan ang delivery nito sa Lunes ng hapon.

(ROSE NOVENARIO)

KILOS-PROTESTA VS SONA KASADO NA

TULOY ang malawakang protesta na isasagawa ng mga militanteng grupo sa State of the Nation Address (SONA) ng pangulo sa darating na Lunes.

Pangungunahan ang protesta ng mga organisasyon sa ilalim ng Makabayan Bloc at inaasahang lalahok ang anti-pork groups maging ang ilang church organizations.

Ayon kay Renato Reyes, Secretary General ng Bagong Alyansang Makabayan, ang PDAF at DAP ang magiging pangunahing hinaing nila sa nalalapit na demonstrasyon.

Dagdag niya, lalo lamang mas nagpagalit sa kanila ang patuloy na pagtatanggol ng administrasyon sa DAP at gayundin ang pagkuwestiyon sa desisyon ng Korte Suprema.

Inaasahan nilang libo-libo ang sasama sa martsa patungo sa Batasang Pambansa sa Lunes. (JOHN BRYAN ULANDAY)

PEACH RIBBON IKINALAT SA PALIGID NG MALACAÑANG

MAHIGIT 500 peach ribbons ang itinali sa paligid ng Malacañang kahapon.

Makikita ang peach ribbons sa Nagtahan Bridge, ilang metro ang layo sa Malacañang, itinali ang peach ribbons sa pangunguna ng #ScrapThePorkAlliance habang nagsuot ng peach na piring sa mata ang Gabriela bilang paggagad sa simbolo ng katarungan sa College of the Holy Spirit sa Mendiola.

Inilunsad ang kampanyang sapol nang hikayatin ni Pangulong Noynoy Aquino na magsuot ng yellow ribbons bilang pagsuporta sa kanyang administrasyon sa gitna ng umiinit na isyu ng DAP.

Ayon sa #ScrapThePorkAlliance, sumisimbolo ang peach sa pananagutan umano ng gobyerno sa kontrobersyal na DAP at bilang suporta na rin sa impeachment complaints na inihain laban sa pangulo.

Ang pagtali ng mga peach na ribbon sa bisinidad ng Malacañang ay upang makita ng Pangulo ang panawagan ng mamamayan para sa katotohanan at pananagutan sa mga anomalyang lumalabas ngayon sangkot ang ilang opisyal ng rehimeng Aquino, ani Anakbayan Chairman Ram Carlo Bautista

Nakadagdag umano sa galit nila ang pagtatanggol ng Pangulong Aquino sa bilyong-pisong DAP habang sa kabilang dako ay naghihirap ang sambayanang Filipino, ayon naman kay Gabriela Chairwoman Jinky Panganiban. (JOHN BRYAN ULANDAY)

PNP KASADO NA

TINIYAK ng pamunuan ng pambansang pulisya na kanilang paiiralin ang maximum tolerance laban sa mga ralIyista.

Ito’y sa kabila ng kanilang inaasahang mas mainit na kilos protesta sa araw ng State of the Nation Address ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III hinggil sa isyu ng Disbursement Acceleration Program (DAP).

Ayon sa PNP, papayagan nila na makapaglabas ng kanilang hinaing ang mga militanteng grupo.

Una rito, sinabi ni PNP PIO, Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, nag-umpisa na ang PNP sa pakikipagdayalogo sa mga militanteng grupo.

Nagbabala rin ang PNP sa mga dayuhan sa pagsali nila sa mga kilos protesta laban sa pamahalaan dahil kanila itong paiimbestigahan sa BID sakaling makita sila sa araw ng SONA.

About hataw tabloid

Check Also

Pasig City

Pasig City gov’t political officer bistadong lider ng ‘troll campaign’

PASIG City – Isang Universal Serial Bus  (USB) ang nagbisto sa sinabing ‘troll campaign’ operations …

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *