ni Roldan Castro
HINDI maitago ang kaligayahan ni Pauleen Luna sa relasyon nila ni Vic Sotto dahil open naman sila sa publiko. Kasal na lang ang kulang sa kanila ni Vic.“Let’s wait and see na lang. Like what he said din, he won’t go into a relationship na alam mong walang papupuntahan. Lahat naman ng relasyon, ang pangit naman na nasa relasyon ka, tapos, hindi ka mag-iisip ng ganoon,” bulalas niya nang makapanayam siya sa opening ng Nails.Glow Nails & Beauty Spa located at Northridge Plaza, Congressional Ave na ang aktres ang naimbitahang mag-cut ng ribbon.
Ano ang masasabi niya na siya na ang huling babae sa buhay ni Vic?
“Sana. Pero ayoko naman siyempreng i-claim ‘yun. Ayoko namang panghawakan ‘yun. Time will tell na lang talaga,” tugon pa niya.
Of course, gusto rin niya na forever na makasama si Vic at iginiit din niya na hindi siya pabor sa live-in arrangement.
“Hindi pwede sa akin, hindi pwede sa magulang ko, so hindi pwede. But that was clear naman noong una pa lang,” sambit pa niya.
Talbog!