MAGPAPATUPAD ng truck ban sa isang bahagi ng North Luzon Expressway (NLEX) mula ngayong araw, Hulyo 26 hanggang Lunes, Hulyo 28 dahil sa centennial celebration ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa Linggo sa Bulacan.
Sa ulat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ipatutupad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa ilang bahagi ng NLEX, pagitan ng Balintawak Tollgate at Angeles City.
Sa abiso ng ahensiya, ang ibang apektadong lugar sa pagpapatupad ng tatlong araw na truck ban ay MacArthur Highway, Cagayan Valley Road, mula Santa Rita Exit at lahat ng provincial road sa Bulacan para gamiting parking area ng mga sasakyan ng mga dadalo sa selebrasyon.
Layunin ng MMDA na maiwasan ang inaasahang matinding trapik bago at pagkatapos ng selebrasyon pero exempted ang may kargang pagkain at perishable goods.
(JAJA GARCIA)