SA KABILA ng hindi birong imahe ni ex-PNP colonel Michael Ray Aquino isa sa pangunahing suspect sa Dacer-Corbito kidnapping/murder case, chief security ng Solaire Resorts and Casino, tuloy pa rin sa paggawa ng mga katarantaduhan sa loob ng nasabing 7 -star hotel ang tarantadong notoryus na Koreanong si MIKE KIM at kanyang mga tauhan.
Sa email na ipinadala sa inyong lingkod ng Indian community, direktang tinukoy si KIM bilang isang kidnapper ni Mandeep Narang na kasalukuyang nakakulong sa BJMP Pasay.
Nakapaloob sa nasabing email kung paano hiningian nang umaabot sa mahigit P25M ni Kim si Narang makaraang i-set-up ng Koreano at ng NBI sa isa kunong buy-bust operation sa loob mismo ng Solaire Casino.
Maraming ebidensiyang nagpapatunay na set-up ang operasyong isinagawa ng NBI gaya ng halos isang linggong pagtatago sa nasabing suspect na si Narang sa Manila Medical Center Room 901 imbes sa NBI detention cell ikulong.
May CCTV footages ang nasabing ospital na magpapakita at magpapatotoo na doon pansamantalang itinago si Narang habang isinasagawa ang negosasyon para sa paglaya niya dahil sa isang ginawang set-up.
Hindi pa nakontento ang kilabot na grupo ni Kim kaya idiniin pa rin si Narang sa nasabing kaso makaraang makuha na ang P25 milyones.
Nananawagan tayo sa abogado, mga kasamahan at kababayan ni Narang na makipag-ugnayan sa inyong lingkod upang mapagtulungan nating umiral ang hustisya at katarungan sa kasong ito.
Handa tayong makipag-ugnayan kay DoJ Secretary Leila De Lima para tanggalan ng maskara ang mga tiwaling opisyal at ahente ng NBI na sangkot sa bigtime extortion. Sa pinakahuli nating balita, US$5 million ang demand ng kupal na si Kim.
Isang hamon para kay ex-Colonel Michael Ray Aquino kung siya mismo ang ‘makakakahon’ kina Kim at kanyang mga kasabwat. ‘Yan ay kung hindi siya nakikinabang sa katarantadohan ni Kim!?
Anyway, sa bakuran niya sa Solaire nagkakalat ng dumi at basura si Mike Kim.
Mr. Enrique Razon, may natitira pa kayang tikas si Aquino!?
ILLEGAL TERMINALS
SA PASAY AT PARAÑAQUE
PINATULAN NA
NG MGA BIGTIME
NA KAWATAN
Ang inaakalang small-time na kita mula sa pagmamantine ng mga illegal terminal ay tila malaking industriya na ngayon na pinag-aawayan ng mga buwayang gutom na gutom sa siyudad ng Pasay.
Pakuya-kuyakoy na lamang ang reyna ng illegal terminals sa Pasay na si FLORY ARAGON makaraang tanggapin ang kanyang ipinadalang ten thousand pesos daily payola ng isang alyas ONE BALL at BADJAO na umano’y isang malapit na kaanak ng malaking tao sa Pasay City Hall.
Kay FLORY ARAGON ang terminal sa EDSA-Roxas Blvd. harap ng Heritage Hotel at yaong nasa Mall of Asia (MOA).
P10K x 31 days equals three hundred ten thousand (310,000) a month din ang pumapasok na pera.
Isang alyas BOYER naman ang may hawak sa kanto ng EDSA-Taft sa harap ng Metro Point Mall.
Mga kolorum naman na mga bus na biyaheng probinsiya ang hawak ni TIMOTI sa magkabilang panig ng EDSA-PHILTRANCO. Illegal terminal naman sa Sucat Hiway kay Cazanova sa Baclaran Parañaque kay VELASCO.
May kasunod…ABANGAN!
***
Makinig sa DWAD 1098 khz am band” TARGET ON AIR “ Monday – Friday 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]
Rex Cayanong