ni Alex Brosas
MAYROONG bagong endorsement si Marian Rivera pero marami ang disappointed pa rin.
Kasi naman, hindi naman major endorsement ang napupunta sa kanya. ‘Yung isang commercial niya, hindi na umeere. Lahat yata ay billboards na lang.
Naloka nga ang marami nang talunin siya ni Kim Chiu sa Yahoo OMG Awards recently. Tinalbugan at pinalamon siya ng alikabok ni Kim na ang daming nakuhang award samantalang siya ay sirowena (zero).
Akala ng marami, porke’t nanalo si Marian bilang Sexiest Pinay sa FHM ay marami itong fans na susuporta sa kanya sa Yahoo Awards. Pero hindi ito nangyari. Sorry na lang sa kanya.