Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mag-asawang Fil-Am dedbol sa buhawi

PATAY ang mag-asawang Filipino-Americans sa hagupit ng buhawi sa estado ng Virginia sa Estados Unidos kamakalawa ng gabi.

Sinabi ni Virginia State Police Spokeswoman Corrine Geller, kinilala ang mga biktimang sina Lord Balatbat at Lolabeth Ortega, nakatira sa Jersey City sa New Jersey.

Nasa camp ground sa Virginia ang mag-asawa kasama ang anak nilang lalaki nang manalasa ang buhawi.

Kabilang ang anak ng mag-asawa sa 33 sugatan bunsod ng kalamidad.

Natumba ang tinatayang 50 punongkahoy sa camping site nang humagupit ang buhawi at ayon sa mga residente, wala silang sapat na panahon para maghanda dahil kasabay ng warning ng National Weather Service ay pagtama rin ng buhawi.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …