Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Katrina, tanggap na nagkamali

071014 katrina hayden kho
ni Ed de Leon

GANOON din naman iyong statement ni Katrina Halili ngayon. Nang hingan siya ng comment tungkol sa pagbabalik ng PRC ng lisensiya ni Hayden Kho, ang sabi niya ay ok lang iyon dahil masaya na iyong tao. Kung ano man ang desisyon ng PRC, ok lang iyon sa kanya dahil matagal na naman iyon at saka naamin na rin niya sa kanyang sarili na may pagkakamali rin siya.

Simple iyon eh, magkakaibigan sila noong panahong iyon. Kinuha pa siyang endorser ng Belo Medical Group. Alam naman niyang syota ni Dra.Vicki Belo si Hayden, pero pinatulan niya. May nangyari at nakunan pa nga ng video. So, mabuti naman at natanggap na niyang may mali siya noon, dahil pumasok nga rin siya sa isang relasyong malabo eh.

Pero iyong abogado ni Katrina, ang sabi hindi raw siya papayag at iaapela pa sa korte ang desisyon ng PRC. Aba kung gagawin niya iyan, magagastusan na naman si Katrina. Mahirap talaga kung minsan at iyong abogado ang nagbibigay ng statement eh.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …