Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kano nadenggoy ng US$2,500 sa credit card

DUMULOG sa Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) ang isang American national na natangayan ng $2,500 kasama ang bagong kaibigan sa isang kilalang Mall sa Maynila, iniulat kahapon.

Kinilala ang biktima na si Kenneth Jerome Reed, 58, ng 362 Mendoza St., San Roque, San Pedro, Laguna.

Sa imbestigasyon ni PO3 Jayjay Jacob, ng MPD-GAIS, naganap ang insidente sa pagitan ng Hulyo 20-23 matapos makilala at maging kaibigan ng biktima ang suspek na si Kenneth Lim Valdez, ng Sapang Palay, San Jose Del Monte, Bulacan, sa Robinson’s Place sa Ermita, Maynila.

Sa salaysay ng biktima, nagkakilala sila ni Valdez, naging magkaibigan hanggang magkasamang nag-check-in sa Soho Hotel ng tatlong araw.

Nagtiwala ang biktima kaya ipinahiram ang kanyang credit card saka ibinalik sa kanya bago umalis noong Hulyo 23.

Nang i-check ng biktima, nalaman niya nakapag-withdraw ang suspek kaya agad siyang nagreklamo sa pulisya. (LEONARD BASILIO/may kasamang ulat ni John Bryan Ulanday)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …