Sunday , March 8 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Japanese, nobyang Pinay missing

072614_FRONT

NANGANGAPA hanggang ngayon ang Mandaluyong City Police sa pagkawala ng isang Japanese national at nobya, sa Barangay Hulo, isang buwan na ang nakararaan.

Sa ulat ni Eastern Police District (EPD) director Chief Supt. Abelardo Villacorta, kinilala ang nawawala na sina Yuji Okada, 54, Japanese national, at Honeylyn Cirunay, 42, kapwa nanunuluyan sa Unit 1417, Irish Bldg., Tivoli Garden Residences, sa 69 Coronado St., Brgy. Hulo, Mandaluyong City.

Si Okada ay opisyal ng Avant Phils. Inc., na matatagpuan sa Unit 2402, One San Miguel Avenue Bldg., Shaw Blvd., Ortigas Center, Pasig City.

Huling nakita ang dalawa noong Hunyo 27, nang pumasok si Okada sa kanyang opisina mula alas-8:00 a.m. hanggang alas-5:00 p.m..

Nagtungo sa Mandaluyong PNP noong Hulyo 12, sina  Joseph Salvaloza at Alberto Cirunay, Jr., kapatid ni Honeylyn para iulat ang pagkawala ng magkasintahan.

ni MIKKO BAYLON

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sara Duterte

“Sufficient in substance” idineklara sa 2 impeachment complaint vs Sara

ni Gerry Baldo IDINEKLARA ng House Committee on Justice na ang natitirang dalawang impeachment complaint …

Matias B Salvador Elementary School sa bulacan ninakawan

Eskuwelahan nilooban ng tatlong kawatan

HINDI pinatawad ng tatlong lalaking kawatan ang isang eskuwelahan sa Pandi, Bulacan nang kanila itong …

Brian Poe

Rep. Brian Poe: “Sa pagtaas ng presyo ng langis, kailangan ng agarang ginhawa para sa mga Filipino”

MANILA — Nagpahayag si Congressman Brian Poe ng kahandaan na suportahan ang pagbibigay ng limitadong …

Taguig NCCA Vista mall

Arts Festival 2026 inilunsad ng Taguig LGU sa Vista Mall

OPISYAL na binuksan ang Taguig Arts Festival 2026 nitong nakaraang Sabado, 28 Pebrero, sa pamamagitan …

Stella Quimbo Money Maleta

Idiniin ng 2 Ex-Marines
Ex-solon tumanggap ng male-maletang pera

KINOMPIRMA ng dalawang dating Marines ang nauna nilang pahayag na naghatid sila ng mga maleta …