Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Victor Neri, nagpakadalubhasa sa kusina kaya nawala sa showbiz

 072514 victor neri iza calzado
ni Pilar Mateo

AT the presscon of Hawak-Kamay somebody remembered that there was a time na naging ‘item’ ang mga That’s Entertainment graduate na sina Iza Calzado at Victor Neri.

Iza was quick to retort though na sandaling-sandali lang naman daw ‘yun.

And now after seven years nagbabalik ang orig Star Circle One member na si Victor. At sa pagkawala pala nito eh, nagpaka-dalubhasa muna sa kusina by being a chef kaya nasagot ang tanong ng marami why he gained so much pounds.

Say din ni Iza nagko-communicate sila noon sa FB. Pero ngayon masaya raw sila sa pagka-catch up nila sa set ng nasabing teleserye na pinangungunahan ni Piolo Pascual!

Nagsimula na ang palabas at agad-agad, na-endear na sa puso ng mga manonood ang pag-unravel sa karakter ng bawat isa sa istorya.

HAYDEN, NAG-ARAL NG THEOLOGY SA UNIVERSITY OF ENGLAND

ANG tindi naman pala ng kinuhang kurso ni Hayden Kho sa Oxford University in England-Theology!

At ngayong reinstated na siya bilang isang doktor matapos na limang taong bawiin ang kanyang lisensiya, natutuwa ito sa pagdating ng second chance sa kanyang career.

At sabi nga niya, “This is the best place to be right now. There is sense of peace and security. Noon hindi ko pa alam who I was. And as we go through life’s journey we get to know the meaning of life. Everyday is a struggle. A journey.

“Sa pinag-aralan ko naman, I don’t want people to think na since I found Christ, am Christ-like na. It really broke my heart then noong malaman ko na I can no longer practice as a doctor. So, instead I chose another path and that was to serve the Lord. I travelled to different places where the poorest of the poor lived.”

Sa apila naman daw ni Katrina Halili, hihintayin na lang niya kung anuman ang sabihin ng kanyang abogado.

Sa likod ng lahat ng ito, very supportive pa rin daw sa kanya si Dra. Vicky Belo. Who he said is still his very good friend.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …