KAILANGAN nang ipatupad ang paniningil ng mga ospital na pinamamahalaan ng lungsod ng Maynila dahil sa kakapusan ng pondo at para hindi na ito mapabayaan tulad ng pamamalakad ng nakaraang lokal na administrasyon.
Ito ang pahayag ni Manila Mayor Joseph Estrada sa ginawang SOCA o State of the City Address, at inamin na mahigit P4 bilyon ang iniwang utang ng dating alkalde habang mahigit sa P2 milyon lamang ang iniwan sa kaban ng lungsod.
Habang tiniyak ni Estrada na ang mga lehitimong residente ng lungsod ng Maynila ay libre pa rin sa public hospitals sa Maynila.
Kadalasan aniya ay hindi nakikinabang ang mga Manileno sa mga libreng serbisyo at pa-ospital sa lungsod dahil sinasamantala ng mga taga-ibang lungsod o bayan ang libreng serbisyo.
Iginiit ni Erap, bagama’t libre noon ang pagpapagamot sa mga ospital sa lungsod ng Maynila, nagiging problema ang kawalan ng gamot at kakulangan ng mga kagamitan dahil sa “deplated” ng pondo at lubog sa utang ang lokal na pamahalaan.
(LEONARD BASILIO)