Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Misis na dinukot ni mister natagpuan sa hotel

NATAGPUAN na ang negosyanteng ginang na sinasabing dinukot ng kanyang asawa kamakalawa ng gabi, sa isang hotel sa Muntinlupa City.

Ngunit nilinaw ni Ma. Rosario “Jinky” Pangilinan, 42, canteen owner, ng Block 7, Lot 4, Saint Catherine Village, Paranaque City, hindi siya dinukot kundi hindi lamang sila nagkaunawaan ng kanyang mister dahil sa selos.

Bunsod nito, kakasuhan na lamang ang suspek na si Mel Pangilinan ng paglabag sa Republic Act 9262 (Violence againts Women and Children).

Sa report ni Chief Inspector Angelito De Juan, dakong 9 p.m. nang matagpuan ang biktima kasama ang anak niyang 14-anyos binatilyo sa loob ng Sogo Hotel sa Brgy. Alabang, Muntinlupa City, nang pinagsanib na pwersa ng Muntinlupa City Police at Pasay City Police.

Pagdating ng mga awtoridad ay wala na ang suspek at ang naabutan na lamang nila ay ang biktima at ang anak na binatilyo.

Unang napaulat na dinukot ang biktima ng mister niyang si Mel noong Miyerkoles ng gabi sa Blue Wave Complex, Macapagal  Boulevard.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …