ANG BULOK NA DYIPNI SA KALYE PINAGPALA ANG NAGING PARAISO NG 2 PARES NA NGAYON AY NANGANGANIB
Pangunguha ng samo’t saring basura na pwedeng ibenta sa junk shop ang iki-nabubuhaynina Dondon at Ligaya sa araw-araw. Pagkagaling sa pangangalakal ay doon sila nagtutuloy sa pampasaherong dyip na matagal nang nakatengga sa Kalye Pinagpala, isang bahagi ng komunidad ng mga taga-iskwater na naghihikahos sa buhay. Tuwing gabi ay nakakasama nila roon ang magka-live-in na Bebang at Aljohn na may bansag na “Totoy Bato.” Mala-bato-bato raw kasi ang mga masel niya sa katawan.
Nakisiksik kina Dondon at Ligaya sina Bebang at Aljohn na ginawa nang tirahan ang pampasaherong sasakyan. Ulanin-arawin na sa kinapaparadahan kaya nagmistulang putik na ang makapal na alika-bok sa trapal na panabing, kinakalawang na ang kaha at iba pang pieyesa nito, at dapa ang nakakabit na apat na gulong.
Doon nabuo ang produkto ng panggigigil sa isa’t isa nina Bebang at Aljohn na palihim na nagsisiping sa hatinggabi o madaling araw. Kabuwanan na ng babae sa pagsisilang ng unang anak nang kubabawan ng demonyo ang utak ng kinakasama ni-yang lalaki.
Dakong mag-uumaga nang maramdaman ni Ligaya ang mga kamay na humimas-himas sa kanyang malulusog na dibdib at nangapa sa pagitan ng mga hita niya. Sa pagmumulat ng mga mata ay bumulaga sa kanya si Aljohn, nakangisi at nakababa na hanggang tuhod ang suot na porontong short na naggigitata sa karumihan.
“Hayup ka, manyakis!” ang tili ni Ligaya sa pagsulak ng galit.
Nagulantang si Dondon sa kinahihigaan na mahabang upuan ng pampasaherong sasakyan. Pagtayo niya ay nakita niyang nanlalaban na si Ligaya kay Aljohn: nanununtok, naninipa, nangangalmot. At walang tigil sa pagmumura.
Mabilis na sinaklolohan ni Dondon ang dalagita. Pero sa pagsugod niya kay Aljohn ay isang mala-sipang kabayo ang ipinasalubong nito sa kanya. Bumagsak siya sa lupa matapos tumilapon palabas ng pintuan ng nakaparadang sasakyan.
Dali-daling nagtatakbong palayo si Aljohn upang takasan ang nagawang kasala-nan kay Ligaya na pinagtangkaan nitong halayin.
At mula rin noon ay hindi na rin nagpakita pa kina Dondon at Ligaya si Bebang.
Pero isang araw ay sinita ng punong barangay ng lugar ang pampasaherong dyip na nasa isang tabi ng Kalye Pinagpala.
(Itutuloy)
ni Rey Atalia