Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kolorum na UAV ‘target’ ng CAAP

072514 CAAP
Inoobliga na ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang mga may-ari at operator ng drone sa bansa na iparehistro ang kanilang equipment para mabigyan ng lisensiya sa pagpapalipad upang maiwasan o makontrol ang hindi awtorisadong flight.

Ayon sa CAAP, dumarami na ang drone users sa Filipinas dahil sa pagbagsak ng presyo nito sanhi sa dami ng gumagamit kung saan patuloy  na tumataas ang teknolohiya dito.

Nagbabala din ang naturang ahensiya sa mga gumagamit ng unmanned aircraft vehicle (UAV) tungkol sa alituntunin at procedures ng paggamit sa naturang equipment.

Dahil sa kasikatan nito, ang nasabing UAV ay kalimitang nilalaro sa first world countries ng amateur photographers, hobbyists, researchers, at geodetic survey firms kabilang na rin ang media entity.

Sa ilalim ng probisyon ng Philippine Civil Aviation Regulation Part II, sinumang operators na makikitaan ng paglabag ay pagbabayarin ng halagang P300,000 hanggang P500,000 per unauthorized flight, o depende sa mga nilabag.

Ayon kay CAAP Assistant Director General Capt. Beda Badiola, ang pangunahing trabaho ng kanyang tanggapan ay alamin at i-regulate ang lahat ng flight operations ng mga sasakyang panghimpapawid “may tao man o wala” sa Philippine airspace, lahat ng lumabag sa memorandum ay agad pagmumutahin ng aviation regulator upang maiwasan ang ikinokonsiderang restricted area katulad ng airports, mataong lugar at  ”no fly zone.”

Dagdag ni Badiola, na concurrent head ng Flight Standard Inspectorate Service (FSIS), base pa sa memo, ipinaliwanag na ang controller ng UAV ay para na rin isang flight crew kung ang UAV ay manned aircraft. (GMG)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …