Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Diary ng Pogi (Just Call me Lucky 2) (Part 41)

ANG PUTING PANYONG BIRTUD SA CHICKS NI TATA KANOR IPINASA KAY BOYING

Pero sinabi kong kahapon lang ay ako mismo ang nagdispatsa kay Karla.

“H-ha? B-bakit?” bulalas ni Biboy na ‘di makapaniwala.

“Personal reason ang dahilan…” ang sagot ko sa patuloy na pagsisinungaling:

Kung minsan, ang pakahulugan ng marami sa pananahimik ay malalim na lihim na pinakaiingatan ng naglilihim.

Natameme ang tatlo kong dabarkads, lalo na ang “Boy Lactacid” na si Mykel hari ng mga alaskador.

Kwentong Anting-Anting

Laging bida ang Cavite sa mga kwentong agimat o anting-anting. Ang ilan sa mga Ca-viteño na naging popular na personahe na nagtaglay umano noon ng pambihirang kapangyarihan ay sina “Nardong Putik,” “Bianong Bulag,” at “Kapitan Inggo.” At sa pagkaalam ko ay nai-sapelikula pa nga ang kanilang makulay na buhay.

Sa aming bayan sa Naic ay pinaniniwalaang may “anting-anting sa babae” si Tata Kanor. Matindi raw ang power sa pagpapaibig ng mga bebotski ang iniingatan niyang “magic panyo.” Mahigit otsenta na ang edad sa ngayon kaya nakararanas na raw ng power failure. At ‘yun ang dahilan umano ng matandang lalaki sa pag-reretiro bilang isang chickboy.

Idol ng kababata kong si Boying si Tata Ka-nor. At matagal na niyang inaambisyon na ipamana sa kanya ang anting-anting ng matandang lalaki. Kaya naman pinagpakitaan niya ng kabaitan at pagkamasunurin. Naging alalay siya sa mga personal na pangangailangan – tagabili ng kung ano-ano sa tindahan o sa palengke ng kabayanan. Tagasalok ng tubig sa poso ng aming barangay. At pinapel din niya ang tagahilot – masahe ng rayuma sa binti ni Tata Kanor.

Halos walang palya ang pakikipaglaklakan ng alak ni Boying sa kanyang idolo tuwing hapon. Kapwa lango na ang dalawa nang maparaan ako minsan sa kubol na kanilang pinagtataga-yan. Ewan kung kusang loob o dahil lamang sa kalasingan kung kaya ibinigay ng matandang lalaki ang iniingatan niyang puting panyo na kinasusulatan ng mga wikang Latin.

“Subok ko ang bisa n’yan sa mga tsiks,” ang sabi ni Tata Kanor kay Boying na napatunga-nga. “Kahit sinong babae na makursunadahan mo ay tiyak na mapapaibig mo…” (Itutuloy)

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …