Monday , December 23 2024

Aljur Abrenica gustong gawing Masculados ng GMA (Kaya pala pumalag at gusto nang kumawala sa network! )

072514 Aljur Abrenica kamote

ni Peter Ledesma

On his part very insulting, nga naman na sa kabila ng tag sa kanya bilang “Primetime Prince,” ng Kapuso network na nakagawa siya ng maraming teleserye since 2007 at majority ay mga nag-rate naman, ngayon ay gagawing mala-Masculado ang packaging sa kanya. Dito na siyempre nag-react nang todo si Aljur Abrenica na nag-file na ng complaint sa Que-zon City Regional Trial Court laban sa GMA 7, na i-pawalang bisa na ang kanyang kontrata at i-release na siya. Dahil ang feeling niya ay naba-violate na ng estasyon ang kanyang pagkatao. Kasamang nagsampa ng kaso ni Aljur ang kanyang legal counsel na si Atty. Ferdinand Topacio na aming BFF at labs. Base sa naging pahayag ni Aljur sa inyong columnist dito sa Hataw No. 1 na Dyaryo ng Bayan. Sobra si-yang nainsulto nang ipatawag siya ng GMA Records para sa kanyang follow-up album. Labis raw na nabigla ang actor nang sabihin sa kanya na ‘yung next album niya ay novelty na lahat ng songs included ang naughty. Hindi naman bobo si Aljur kaya get’s niya agad kung ano ang gustong ipagawa sa kanya na kakanta siya ng mga awiting may double meaning. Ang mga titulo ng awitin na gusto sanang ipa-record kay Aljur ay Nota, Sisid, Legs, ABS at Check In.

Dito na tuluyang umatras ang guwapong actor sabay sabing hindi niya kayang gawin ito. Oo nga naman ano ‘yun bastusan na. Mas lalo pa raw lumala ang tampo o galit ng Kapuso actor nang ipaalam sa kanya na mag-uumpisa na silang mag-shooting ni Alden Richards ng pelikula nila sa GMA Films na “Cain at Abel.: Nang hingin niya ang script para mapag-aralan na niya ay hindi raw ginawa ng mga taga-GMA Artists Center na namamahala ng kanyang career. Tapos nalaman niya na ang mga eksenang kanyang gagawin sa movie ay may laplapan scene ng matrona na hindi pa batid kung sinong actress, ang gaganap. Tapos may isang eksena sa Bar, na aksidenteng matatapunan siya ng juice o wine ng another matrona tapos itataas ang kanyang t-shirts, para ma-expose ang kanyang kapanta-pantasiyang ABS. So, dito na nag-isip si Aljur at naguguluhan na siya kung ano ba talaga ang images na gustong ibigay sa kanya ng GMA? Dahil sa nasabing mga pangyayaring, nawalan na ng gana ang controversial actor at aminado siyang hindi na siya masaya na mag-trabaho pa o mag-stay sa nasabing network.

Oo nga, nakakalokah nga naman gyud!

SHE’S DATING THE GANGSTER, UNA SA MARAMING KOLABORASYON NG STAR CINEMA AT SUMMIT MEDIA

NAGKAMIT ang Star Cinema ng isang well-deserved box-office hit sa recent mainstream theatrical release ng She’s Dating The Gangster (SDTG) na pinagbibidahan ng dalawa sa pinakamalaking teen star ng ABS-CBN na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Kumita ang SDTG ng P15 milyon sa first day at nang maglaon pumalo sa takilya hanggang P100 milyon sa limang araw lamang matapos magbukas sa mga sinehan. Base ang SDTG sa bestselling Pop Fiction Book ni Bianca Bernardinona na may parehong titulo mula sa Summit Media, na nakipag-partner kamakailan sa Star Cinema para sa film adaptations ng matagumpay nitong linya ng Pop Fiction Books gaya ng “The Bet” ni Kimberly Joy Villanueva, “Seducing Drake Palma” ni Ariesa Jane Domingo, “Three Words, Eight Letters. Say It, I’m Yours.” ni Jade Margarette Pitogo, at “Ang Boyfriend Kong Artista” ni Ella Larena. Tuwang-tuwa ang Summit Media President na si Lisa Gokongwei-Cheng sa big screen interpretation ni Cathy Garcia-Molina sa sikat na nobela ni Bernardino. “I find the movie very well done,” ayon kay Gokongwei-Cheng. “Nakakaiyak at nakakakilig. I think, even though the book was not followed to the letter, it was improved … especially because of the two stories/timelines in the movie.” Ibinahagi rin ni Gokongwei-Cheng ang kanyang saloobin sa partnership ng Summit Media at Star Cinema, na kasalukuyang nagdiriwang ng ika-20 anibersaryo sa industrya. “Having the stories of our writers brought to life…it is very rewarding for us as a publisher. With the quality of story telling, acting, and production of the film, we are very happy.” Idinagdag pa ni Gokongwei-Cheng na lubos na excited ang Summit Media sa mga future endeavors nila kasama ang Star Cinema. “We are looking forward to the continuous partnership. We, at Summit Media, completely trust Star Cinema to give justice to the books we publish. There are very few film studios that are really good in filmmaking and storytelling. Summit Media’s Pop Fiction being the number one Wattpad publisher and Star Cinema is a good combination.” Ang SDTG ay isang kontemporaryong Pilipino love story para sa ano mang edad. Umiikot ang istorya sa magkakadikit na mga buhay ng isang batang magkasintahan (Kenji at Athena, na ga-gampanan nina Padilla at Bernardo) na may major unfinished business na dapat nilang i-settle at isang unlikely couple (Kenneth at Kelay, na gagampa-nan din nina Padilla at Bernardo) na di inaasahang matatalisod sa pag-ibig sa kanilang kanya-kanyang layunin na itama ang mga bagay-bagay para sa kanilang mga mahal sa buhay.

WICKED “ENDING NG WANSAPANATAYM” SPECIAL NINA MILES, INAH AT ALYANNA

“Wicked But Happy Ending” ang handog nina Miles Ocampo, Inah Estrada, at Alyanna Angeles sa TV viewers ngayong Linggo (Hulyo 27) sa huling episode ng “Wansapanataym Presents Witch-A-Makulit.” Sa kabila ng kanilang kasiyahan sa mundo ng mga mangkukulam, magsisimula nang mangulila sina Krystal (Miles), Jade (Inah) at Eme-rald (Alyanna) sa kanilang ama na si Pinong (Benjie Paras) na naiwan nila sa mundo ng mga tao. Ano ang gagawin ng magkakapatid upang muling makita ang kanilang tatay lalo na ngayong ipinagbabawal ng kanilang lola? Sa huli, mapagkakasundo ba nila Krystal, Jade, at Emerald ang mga tao at lahing mangkukulam? Bahagi rin ng “Witch-A-Makulit” sina Malou Crisologo, Wilma Doesnt, Kristel Fulgar, Jon Lucas, CJ Navato, Nina Dolino, at Chienna Filomeno. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Mariami Tanangco-Domingo at direksyon ni Lino Cayetano. Sa ilalim ng produksyon ng Dreamscape Entertainment Television, ang original storybook ng batang Pinoy na “Wansapanataym” ay ang longest-running at most-awarded fantasy-drama anthology ng ABS-CBN. Huwag palampasin ang “Wicked But Happy Ending” ng “Wansapanataym Presents Witch-A-Makulit” ngayong Linggo, 6:45pm, bago mag-”The Voice Kids” sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

Hatid ng She’s Dating The Gangster ang uni-bersal na tema na maaaring pagtagumpayan ng pagibig ang paglipas ng mahabang panahon. Nag-aalay din ang pelikualng ito ng pag-asa sa mga manonood. Pag-asa na hindi nila kailangan pang maghanap sa malayo para sa tunay na pag-ibig dahil maaari namang nasa harapan lamang nila ito.

Tampok din sa SDTG sina Khalil Ramos, Sofia Andres, Pamu Pamorada, Marco Gumabao, John Uy, Alex Diaz, Igi Boy Flores, at Yana Asistio. May espesyal na partisipasyon din sa pelikula sina Richard Gomez at Dawn Zulueta.

Palabas pa rin ang She’s Dating The Gangster sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa.

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *