Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

70-anyos ina pinugutan ng adik na anak

BACOLOD CITY – Pinugutan ang 70-anyos ina ng kanyang adik na anak sa lungsod ng Bacolod kahapon.

Kinilala ang biktimang si Eledina Gabitanan, habang ang suspek ay isang Percival Gabitanan, 34, kapwa residente ng Villa Esperanza, Brgy. Tangub, Bacolod City.

Sa imbestigasyon ni Insp. Richard Pajarito, police deputy chief ng Bacolod Police Station 8, nangyari ang insidente dakong 2 a.m. kahapon.

Aniya, nakarinig ang mga kapitbahay ng biktima na humihingi ng saklolo ang matanda kaya tumawag sila ng mga barangay tanod na siyang nagsumbong sa pulisya kaugnay sa insidente.

Sa pagresponde ng mga pulis ay bumulaga sa kanila ang pugot na ulo ng biktima sa loob ng bahay.

Habang nasa labas sa likurang bahagi ng bahay nakita ang katawan ng biktima.

Agad nahuli ng mga awtoridad ang salarin.

Sa panayam, sinabi ng suspek na aswang ang tingin niya sa kanyang ina kaya hinampas niya ng kawayan at tinaga sa leeg.

Ang pagiging drug addict ng suspek ang tinitingnang dahilan ng pulisya sa naturang krimen.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …