Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Tagapagmana’ ni Sir Paul McCartney

PAGE 10 okey na

SUMIKAT din naman ang mga anak ni Sir Paul McCartney subalit napapanahon nang tumanyag ang tunay na tagapagmana ng batikang multi-instrumentalist ng The Beatles matapos mamataan ang panganay na apo na si Arthur Alistair Donald habang nagpa-party sa popular na Chiltern Firehouse.

Natiyempohan ang 15-anyos na estudyante, anak ng retratistang si Mary McCartney, sa hottest bar and restaurant sa London nitong nakaraang linggo.

Kasama ang kanyang mga kaibigan at barkada, ismarte ang ‘dating’ ng apo ni Paul sa suot niyang Olive shirt at Chinos pagdating sa Marylebone hotspot.

Sa kabila ng pagiging low-profile sa nakalipas, may indikasyon ang pagpunta ni Arthur sa Chiltern na nagbabadya ng kanyang paghahanda sa pagsulong sa katanyagan tulad ng kanyang sikat na lolo.

Hindi maipagkakaila ang pagkakahawig ni Arthur sa dugong nanalaytay sa kanyang mga ugat na mula sa pamosong pamilya na kanyang pinagmulan. Tunay na look-a-like siya ng kanyang lolong sikat na rock legend.

Nagdiwang ng ika-15 kaarawan noong nakaraang Abril, si Arthur ay panganay na anak ni Mary, 44, at unang asawang si Alistair Donald. Isinilang siya noong 1999 bilang unang apo ni Sir Paul, na siyang nagtakda sa sikat na Beatles band member na maging pangalawa sa kanyang grupo na maging lolo, kasunod kay Ringo Star.

Nakipisan kay Arthur ang kanyang kapatid na si Elliot noong Agosto 2002 at magkasabay silang lumaki sa kanilang family home sa North London. Dangan nga lang ay naghiwalay ang kanilang magulang na sina Mary at Alistair noong 2005 bago tuluyang nagdiborsyo.

Noong 2008, isinilang ni Mary si Sam para madagdagan ang kapatid ni Arthur at kasunod nito’y nagpakasal sa kanyang director boyfriend na si Simon Aboud sa Marylebone Register Office noong Hunyo ng 2010.

Nakompleto ang kanilang pamilya sa pagsilang ng ikaapat na supling ni Mary na si Sid noong Setyembre 2011.

Bukod sa apat na anak ni Mary, mayroon din mga apo si Sir Paul sa kanyang anak na fashion designer na si Stella—sina Miller, Beckett, Bailey at Reiley.

Kinalap ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …