DINOBLE ng pamunuan ng pambansang pulisya ang bilang ng mga pulis na kanilang ide-deploy sa Lunes para sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.
Ayon kay PNP PIO, Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, dati ay nasa 5,000 ang mga pulis na kanilang idini-deploy, ngunit ngayon ay kanila itong dinoble.
Simula kamakalawa, binuhay ng PNP ang Super Task Force Kapayapaan para sa SONA 2014 ng pangulo na binubuo ng apat na Task For-ces gaya ng mga sumusunod: TF Criminality na reponsable sa pagsasagawa ng law enforcement operations at ti-yakin ang peace and order nang sa gayon ay makamit ang zero crime incident sa Metro Manila.
Habang Ang TF Antabay ang responsable sa rapid deployment and intervention sakaling kakailanganin ang pwersa ng pulisya.
At ang TF Rimland ay res-ponsable sa deployment ng security personnel, civil disturbance management, traffic management and control at iba pang public safety service sa buong Metro Manila at ang panghuli ang TF Reserve.
Si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Director Carmelo Valmoria ang mangangasiwa sa binuong Super Task Force Kapayapaan.