ITINUTURING na kinabukasan ng medisina ang nakamamanghang remote-controlled contraceptive microchip na itatanim sa katawan ng babae.
Sa 2018, posibleng mabili na ang contraceptive microchip na itatanim sa katawan ng babae, at awtomatikong magde-deliver ng birth control hormones sa blood stream araw-araw sa loob ng 16 taon.
Ito ang nakikita sa hinaharap ng Microchips, isang Massachusetts-based startup na binuo ng MIT researchers na nagde-develop ng remote-controlled drug delivery microchip na itatanim sa balat malapit sa tiyan (o sa backside region).
Makaraan maitanim ang microchip, hindi na kailangan pang bumalik sa doktor dahil maaari nang i-switch nang on and off ng babae ang birth control hormones sa pamamagitan ng pagpindot sa button.
Natawag ng nasabing ideya ang pansin ni Bill Gates na nagpahayag ng kanyang suporta sa microchip contraceptives sa pamamagitan ng family planning unit ng kanyang Bill and Melinda Gates Foundation.
(THE WASHINGTON POST)