Sunday , November 3 2024

Pagkilala sa mag-iinang Pinoy sa MH17 aabutin ng 1 buwan

POSIBLENG matagalan ang paghahanap sa bangkay ng mag-iinang Filipino na namatay sa pinasabog na flight MH17 ng Malaysian airlines.

Sinabi ni Assistant Secretary Charles Jose, spokeperson ng Department of Foreign Affairs (DFA), maaaring abutin ng hanggang isang buwan ang pagkilala sa mga bangkay na dadalhin sa Netherlands at hindi pa sigurado kung kasama roon ang bangkay ng mag-iinang Filipino.

Base sa impormasyon ni Assistant Secretary Jose, dadalhin sa Netherlands ang mga bangkay mula sa Ukraine na mula sa pinasabog na eroplano habang nasa kanilang himpapawid.

Nasa 298 ang lulan ng eroplano ngunit ayon sa media reports sa the Hague, Netherlands, higit 200 pa lang ang nakukuha at maiuuwi ng Dutch airplane na nagtungo sa Ukraine para sa mga bangkay.

Kasama sa eroplano ang Filipina na si Irene Gunawan, at dalawang anak na sina Sheryll Shania, 15, Daryll Dwight, 20, at mister na Indonesian.

Dala ng kapatid ni Gunawan na nagtungo sa Netherlands, ang dental records ng mag-anak na maaaring makatulong sa pagkilala sa mga bangkay. Nagbigay rin ang kapatid ni Irene ng DNA sample ng mga biktima. (JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Rolando Valeriano Rodrigo Duterte

Hindi bayani o diyos  
DUTERTE SALOT — SOLON

ni Gerry Baldo TAHASANG sinabi ng isang kongresista mula Maynila na hindi isang bayani o …

Bulacan Police PNP

Sa crackdown vs ilegal na droga  
21 TULAK TIKLO SA BULACAN

ARESTADO ang 21 pinaghihinalaang mga tulak ng ilegal na droga sa pinaigting na operasyon ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *