Sunday , November 17 2024

Organizer ng Last Home Stand binigo ng NBA

Organizer ng Last Home Stand binigo ng NBA

INAMIN ng third-party agency na tumulong sa Philippine Long Distance Telephone Company (PLDT) sa pag-organisa ng The Last Home Stand ng Gilas Pilipinas kontra NBA All-Stars na tinanggihan ng NBA ang hiling nito na sanction para idaraos na tune-up na laro na dapat sanang nangyari noong Martes at kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Ayon sa CEO ng East-West na si Maria Espaldon, noon pang Abril pa nagsabi ang NBA na hindi nito isa-sanction ang nasabing tune-up na serye sa Maynila ngunit desidido pa ring ituloy ng PLDT.

Naglabas ang NBA ng memo tungkol sa bagay na ito.

“The NBA has taken the position that any such exhibition or competition is unallowable and is not approved for player participation under the [collective bargaining agreement], regardless of whether it is incorporated into a ‘clinic’ or other ‘benign-sounding activity,’” ayon sa memo.

“We wrote the NBA that we are holding a charity event, that’s what happens in the US for example, there are games that players play for the love of the game … for charity,” pahayag ni Espaldon.

“So when we applied that this is just for charity, we proposed it in April this year, and they told us that the sanction deadline has passed, we asked to give us an exemption and they said no.”

Idinagdag ni Espaldon na binago ng grupo niya ang format ng Last Home Stand bilang pagsunod sa mga patakaran ng NBA.

“The way we planned this event was legitimately a clinic,” ani Espaldon.

Nalaman din ng manunulat na ito na base sa mga promotional materials nito, hindi clinic ang pakay ng Last Home Stand kundi talagang tune-up game ng Gilas at NBA All-Stars at inamin ng ilang mga manlalaro ng Gilas na tune-up game ang pakay ng nasabing pagdiriwang sa Big Dome.

Nagbabala ang NBA sa mga manlalaro nito sa pangunguna nina James Harden, DeMar DeRozan at Damian Lilliard na paparusahan sila ng liga kung itutuloy nila ang paglalaro kontra Gilas dahil labag ito sa kani-kanilang mga kontrata at sa mga patakaran ng NBA.

Hindi nga sumipot sa Maynila sina Blake Griffin at Paul George dahil umano sa nasabing banta ng NBA.

Sa panig ng tserman ng PLDT na si Manny V. Pangilinan, inamin niyang noong Martes ng gabi lang niya nalamang hindi na nga pinayagan ng NBA na maglaro ang grupo nina Harden kontra Gilas dahil sa memo na inilabas ng NBA.

“It’s extremely disappointing, these sudden turn of events. We wish to apologize to our Filipino basketball fans for this,” wika ni Pangilinan. “We ourselves are extremely disappointed by this unexpected development. All we wanted was to give our Filipino basketball fans a real treat while at the same time, through this charity event, help our countrymen who are still recovering from Supertyphoon Yolanda and more recently Typhoon Glenda.”

Humingi na ng paumanhin si Pangilinan sa mga taong bumili ng tiket at hanggang kahapon ay tuloy pa rin ang pag-refund ng mga tiket.

“That one was clear to us. There should be no mincing of words here. And clearly there was a wrong perception from the fans. Our job as PLDT (sponsor) now is to be accountable for that perception, so if the fans were not happy, it is our duty to pay again for their ticket in full,” dagdag ni Pangilinan.

Nangako naman ang Executive Vice-President ng PLDT na si Ariel Fermin na magiging mabilis ang pag-refund ng mga tiket sa kinanselang laro.

Sinabi naman ng isang source mula sa PLDT na magkakaroon ng sibakan sa mga empleyadong dapat managot sa nangyaring kontrobersiya tungkol sa pag-kansela ng The Last Home Stand.

(James Ty III)

About hataw tabloid

Check Also

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon

HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *