Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Negosyante dinukot ni mister

DINUKOT ang negosyanteng ginang ng kanyang mister kamakalawa sa Pasay City.

Kinilala ang biktimang si Ma. Rosario “Jinky” Pangilinan, 42, canteen owner, ng Block 7, Lot 4, Saint Catherine Village, Parañaque City.

Ang suspek ay kinilalang si Mel Pangilinan, nasa hustong gulang, hindi nabanggit sa report kung saan siya nakatira.

Salaysay ni Rowena Palwa, 40, negosyante, ng La Loma, Quezon City; at mag-asawang Conrado at Marlyn Rabang, ng Muntinlupa City, mga kaibigan ng biktima, sa pagitan ng 5:30 p.m. at 6 p.m. nang maganap ang insidente sa harapan ng Starbucks Coffee sa Blue Wave Complex, Macapagal Boulevard, Pasay City.

Sinabi ni Palwa, bago naganap ang pagdukot, tinawagan siya ng biktima at sinabing nasa Starbucks siya.

Pinuntahan nina Palwa at mag-asawang Rabang ang biktima sa naturang lugar ngunit wala na ang biktima at naiwan ang sasakyang Toyota Fortuner (UQN-935) na nakaparada sa parking area ng KFC food chain.

Agad silang humingi ng tulong sa mga pulis at ini-report ang pagdukot sa kanilang kaibigang si Ma. Rosario.

Ilang gwardyang nakatalaga sa ilang establisimento sa Blue Wave Complex, ang nagsabing napansin nila ang isang babae na kahalintulad sa diskripsiyon ni Ma. Rosario, habang nag-aabang ng taxi at sumisigaw ng “Hayaan mo na ako! Pabayaan mo na ako!” at “Huwag mo na akong pakialaman!”

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …