Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nanay tigbak sa bundol ng truck (4-anyos anak sugatan)

PATAY ang isang 43-anyos ginang habang sugatan ang kanyang anak nang mabundol ng isa sa dalawang truck na nagbanggaan kamakalawa ng hapon sa Valenzuela City.

Hindi na umabot nang buhay sa Valenzuela General Hospital ang biktimang si Ma. Luz Bayatan, 43, ng #22 Donesa St., Brgy. Canumay West ng nasabing lungsod, sanhi ng sugat sa ulo at pagkabali ng katawan.

Habang sugatan ang anak niyang si Gian Carlo, 4-anyos.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide at physical injuries in relation to Republic Act 7610 ang driver ng Isuzu Elf (REJ-7730) na si Joey Cos, 50, ng #50 Malolos Avenue, Bagong Barrio, Caloocan, at driver ng closed van na si Germando Castillo, 43, ng #100 Sauyo Road, Novaliches, Quezon City.

Sa ulat ng pulisya, dakong 1 p.m. nang maganap ang insidente sa kahabaan ng T. Santiago St. kanto ng F. Lazaro St., Brgy. Canumay West ng nasabing lungsod.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …