Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nagsusulputan na ang mga saling-lahi sa PBA

NAGSISILABASAN na ang mga lahi ng premyadong basketball players na kinilala noong araw sa PBA at MICAA.

Isa sa may potensiyal na anak ng mga ganador na manlalaro noong araw ay itong si Kobe Paras na anak ng tinaguriang Tower of Power.

Mukhang hihigitan pa ni Kobe ang amang si Benjie dahil sa taas nito ngayong 6-foot-6 sa edad na 16 ay isa itong manlilipad.

Katunayan ay parati itong kasali sa mga Slam Dunk contest.

Katunayan ay lalahok siya sa FIBA Under 18 Slam Dunk contest sa Qatar na lalarga sa Agosto 16-29.

Sa mga basketball aficionados na ngayon lang namulat sa basketball, ang ama ni Kobe na si Benjie ay napalunan ang PBA Rookie of the Year at MVP award sa parehong taon.

Hanggang sa ngayon ay wala pang nakakabura nun.

Kung sakali, pag-akyat ni Kobe sa pro, mabura niya ang rekord ng ama.

0o0

Kahit pa nga panay ang build-up ng mga mamahayag sa kalidad ni Chris Algieri, hindi pa rin naniniwala ang mga avid fans ni Manny Pacquiao na tatalunin nito ang kanilang iniidolo.

Maging ang mga oddsmakers sa CotaiArena ay naniniwalang llamadong-llamado sa laban si Pacquiao kontra kay Algieri.   Dahil sa huling tayaan nitong linggo ay 14-1 favorite si Pacquiao.

Mukhang ang uno sa pustahan ay si Algieri ang tumaya.

Pero kidding aside, malaki ang paniniwala ni Algieri na hindi magiging batayan ang mga numero.   Dahil tiwala siya sa kaniyang kakayahan na kaya niyang ma-upset ang tinaguriang Pambansang Kamao.

Handa siyang maghimala sa laban. He-he-he.

Alex L. Cruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …