Sunday , November 3 2024

Magsasaka utas sa agawan ng patubig

NAGLULUKSA ang pamilya ng isang magsasaka makaraan pagbabarilin ng kapwa magsasaka nang magkainitan sa pag-aagawan ng irigasyon sa bayan ng San Nicolas, Pangasinan kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Feliciano Andres, residente sa Brgy. Siblot, habang ang suspek ay si Nicomedez Sabinay, 40, residente sa Brgy. San Jose, ng nabanggit na bayan.

Isinuko sa himpilan ng pulisya ni Atty. Eustaquio R. Suyat, may-ari ng palayan, ang suspek upang panagutin sa ginawa niyang krimen, ayon kay S/Insp. Asterio Dismaya, deputy chief ng San Nicolas Police Station.

Inamin ng suspek na binaril niya si Andres dahil ina-gaw ang daloy ng patubig na papunta sana sa tanim niyang palay kay Suyat.

Dagdag ng suspek, napundi na siya sa biktima dahil palaging inaagaw sa kanya ang patubig para sa palayan.

Namatay noon din ang biktima sanhi ng tama ng bala sa ulo at katawan.

(JAIME AQUINO)

About hataw tabloid

Check Also

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Rolando Valeriano Rodrigo Duterte

Hindi bayani o diyos  
DUTERTE SALOT — SOLON

ni Gerry Baldo TAHASANG sinabi ng isang kongresista mula Maynila na hindi isang bayani o …

Bulacan Police PNP

Sa crackdown vs ilegal na droga  
21 TULAK TIKLO SA BULACAN

ARESTADO ang 21 pinaghihinalaang mga tulak ng ilegal na droga sa pinaigting na operasyon ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *