IGINIIT ng Department of Energy na kailangan na mabigyan ng emergency powers si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III hanggang sa katapusan ng Agosto ngayong taon para masolusyunan nang maaga ang problema na maaaring harapin ng bansa sa susunod na taon na may kinalaman sa supply ng koryente.
Ayon kay DoE secretary Jericho Petilla, kailangan mabigyan ng emergency powers si Aquino para maplantsa at makapasok sa kontrata sa mga kompanya para magkaroon ng modular generator sets ang pamahalaan.
Aniya, kapag hindi agad maagapan ang nasabing problema ay posibleng magkaroon ng dalawa hanggang tatlong oras na malawakang brownout sa susunod na taon. (HNT)