ni Roldan Castro
SA Face the People’ ng TV5 ay pinabulaanan ng kaibigan naming si Atty. Ferdinand Topacio na may malalim silang relasyon ng kanyang client na siClaudine Barretto. Lagi raw niyang pinaiiral ang respeto sa mga client niya.
Sinabi rin niya na hindi libre ang serbisyo niya kay Claudine at may tseke na pumapasok sa opisina niya.
Nilinaw din niya na hindi nagseselos ang misis niyang si Judge Dinnah sa isyu dahil naiintindihan nito ang pakikisalamuha sa kliyente bilang isang lawyer. ‘Yung bigay ni Claudine na bracelet sa kanya ay simbolo lamang ng pagiging ‘bff’ nila dahil kahit ang kasamahan niyang abogado ay binigyan din ni Claudine.
Itinanggi rin ni Atty. Topacio na nag-check in sila ni Claudine sa Resorts World. Ang kasama raw niya sa sinasabing date na ‘yun ay ang misis niya.
“Siguro, hindi naman kamukha ni Claudine ‘yung misis ko. Iba naman ang beauty ng misis ko. Nagtataka talaga ako, napakarami. Kung mamba-black propaganda man lang, ‘wag namang clumsy, galingan naman,” deklara pa ni Atty. Topacio.
Kahit sa Asian Cruise ay hindi si Claudine ang kasama niya kundi ang kaibigan niyang negosyante at client na si Alex Cruz. Sey nga ni Sir Alex, nami-misenterpret ang pagiging friendly ni Atty. Topacio sa client.
Flattered din si Atty. Topacio sa sinabi ni Claudine na may malaki siyang puso at halos ilagay sa pedestal.
Havey!