Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ang Lihim ng Revillaroja (Ika-15 labas)

HINDI NA NATIKMAN NI JOMAR ANG LANGIT MULA KAY MARY JOYCE DAHIL IYON NA PALA ANG KANYANG WAKAS

“Halika rito…” ang sabi ng mahinang tinig na tumawag sa pangalan ng binatang salesman. “Pasok ka!”

Nang itulak ni Jomar ang pinto ng silid ay ganap na nalalantad ang kagandahang nag-aabang sa kanyang pagdating. Manipis ang suot na negligee ni Mary Joyce. Sa liwanag ng bombilyang ilaw ay naging de-talyado sa paningin niya ang maseselang bahagi nito. At nang lapitan niya ay pasagpang nang nanghalik sa kanyang mga labi. Ay, preskong-presko ang hininga ng bibig na sumakmal sa bibig niya.

“Magsi-shower muna ako, ha?” ngiti kay Jomar ni Mary Joyce nang mabaklas ang magkalapat nilang mga labi.

“Sige…” tango ng binata sa dalaga. “Bilisan mo lang, ha?”

Tinanggal ni Jomar ang suot na medyas at sapatos. Nag-alis na rin siya ng mga kasuotan. Brief lang ang itinira niya sa katawan. Pagkaraa’y patihaya siyang nahiga sa malambot na kama. Kinumutan niya ang sarili mula baywang hanggang talampakan.

Pangiti-ngiti siyang naghintay kay Mary Joyce. Dinig niya sa kinahihigaang kama ang lagaslas ng tubig sa banyo na ibinubuga ng dutsa. Ipina-hinga niya ang mga mata. Noon nag-lumikot ang kanyang imahinasyon. Sa kanyang isipan ay ginagawa na niya ang mga bagay na gagawin pa lamang sa pakikipagniig sa dalaga.

Hindi namalayan ni Jomar ang paglapit ni Mary Joyce. Naroroon na agad ito sa gilid ng kama, nandidilat ang mga mata sa pag-ngiti-ngiti. At nakaamba nang ipangtarak sa katawan niya ang hawak nitong nangingislap na patalim. Tsak, tsak, tsak, tsak, tsak, tsak,tsak!

Napadilat na lamang siya sa paglalagos ng patalim na pitong ulit na ipinantarak sa kanyang katawan. Nalagot ang kanyang hi-ninga nang ‘di na niya malalaman kailanpaman kung ano ang dahilan.

Bunga ng pangyayaring iyon ay napabilis ang pag-uwi sa bansa ng ina ni Mary Joyce na nanggaling sa Amerika.

“Hindi na natin maitatago pa ang lihim ng Revillaroja,” ang luhaang nasambit ng ina ni Mary Joyce sa asawang si Gob PJ Revillaroja. “Dalawang buhay na ang kinitil ng ating anak.”

Isa sa kada angkan ng mga Revillaroja ay may lumalabas na sira-ulo, gaya ni Mary Joyce na naapektohan ang pag-iisip sa tuwing sa-sapit ang ka-bilugan ng buwan. Gaya noong patayin din nito sa saksak ng kitchen knife ang nakatatandang kapatid na si Mary Jean.

“K-kawawa naman ang anak natin… T-tuluyan na yata siyang nabaliw…” pagka-kagat-labi ni Gob PJ. “Kinakailangan na ta-laga nating dalhin siya sa mental hospital.”

(Wakas)

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Casino Plus One Million for Every Hero FEAT

Casino Plus Empowers Users to Support Real-Life Heroes with Each Daily Login
One Million for Every Hero

Casino Plus is bringing the Christmas spirit of giving into the digital space with the …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …