AYON sa old masters, hindi ibibigay sa iyo ng good feng shui ang yaman na iyong hinahangad kung hindi mo ito pagsusumikapan, ngunit ipagkakaloob nito sa iyo ang kinakailangang mga suporta para matamo ang yaman at magandang swerte. Matutulungan ka nito na gamitin ang feng shui para makabuo ng kapaligiran – tahanan at opisina – para ikaw ay mapalakas at mahikayat ang feng shui energies of wealth.
Maraming simple at madaling feng shui wealth tips at mga produkto na maaaring gamitin sa inyong space para sa strong wealth feng shui.
*Ang bahay at opisina ay dapat na clutter free
*Mag-display ng feng shui symbols sa iyong kapaligiran na magpapakita sa iyo ng wealth and abundance.
*Magbuo ng sariling feng shui wealth vase. Tiyaking batid mo kung saan dapat ilagay ang iyong wealth vase para sa best feng shui.
*Palamutian ang inyong bahay ng feng shui aquarium para makahikayat ng wealth Chi.
*Hanapin ang inyong feng shui area at alagaan ito.
*Gumamit ng feng shui crystals at essential oils para mapalakas ang enerhiya ng bahay at mahikayat ang kailangang wealth energies.
*Panatilihin ang mataas ang oxygen levels sa lahat ng oras at palamutian ang inyong bahay ng good feng shui plants para malinis ang hangin.
*Gumamit ng fountains – ito ay very powerful feng shui cures na makahihikayat ng wealth energy at fresh Chi.
*Ang imahe ng dumadaloy na tubig – waterfalls, seas, rivers, etc. ay mainam din, dahil ang tubig ay simbolo ng yaman.
*Tiyaking masusuri ang pagdaloy ng chi, sa bahay at sa inyong opisina.
*Tiyaking mayroong strong feng shui door.
Lady Choi