PISAK ang ulo ng isang grade 3 pupil nang magulungan ng bato na 500 kilo ang bigat, sa San Juan, Ilocos Sur kamakalawa.
Sinikap pang isugod sa ospital ang biktimang si Joseph Aquino III, 10-anyos, grade 3 pupil ng Barbar Elementary School, ng Brgy. San Juan, ngunit binawian ng buhay.
Ayon sa pulisya, namimitas ng manzanitas at aratilis ang biktima kasama ang dalawang kaeskwela nang tapakan nila ang malaking bato.
Pagtalon ng mga bata ay gumulong ang bato kaya nalaglag at natumba si Aquino ngunit sa minalas na magulungan ng malaking bato sa ulo.
(BETH JULIAN)