Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Trillanes ipinahihinto K to 12 program

PANSAMANTALANG ipinahihinto ni Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV ang naka-ambang pagpapatupad ng K to 12 Program habang hindi pa naisasaayos ang kasalukuyang mga problema sa sistema ng edukasyon sa bansa, kasama na ang mga inaasahang problemang haharapin nito kapag ipinatupad sa 2016

“Mas makabubuti para sa ating bansa kung hindi muna ipatutupad ang K to 12 Program hangga’t hindi pa nasosolusyonan ang mga problema sa sistema ng ating edukasyon tulad ng kakulangan sa mga silid-aralan at kagamitan ng mga estudyante, at ang kakulangan sa mga guro at ang kanilang mababang sahod,” paliwanag ni Trillanes.

Dagdag rito, ang kawalang plano ng ating pamahalaan sa inaasahang pagkakatanggal sa trabaho ng aabot sa 85,000 guro at empleyado sa mga kolehiyo kapag nagsimula na ang programa sa 2016, ani Trillanes matapos mag-ikot sa iba’t ibang panig ng bansa upang kumunsulta ukol sa K to 12.

“Aayos lamang ang kalidad ng edukasyon sa bansa kung masosolusyonan ang mga nasabing problema. Kung magagawa natin ito, mas magiging magaling ang ating mga estudyante,” paliwanag ni Trillanes, taga-Pangulo ng Senate Committee on Civil Service and Government Reorganization.

Pinuna rin ni Trillanes ang pahayag ng gobyerno na nasolusyonan na ang problema ng kakulangan sa classrooms.

“Hindi ito totoo. Maraming paaralan pa rin ang patuloy na gumagamit ng mga make-shift na classrooms, o di kaya’y nagpapalitan sa paggamit ng mga silid-aralan kahit mas maiksi pa ang haba ng mga klase sa tamang oras na aprubado ng Department of Education,” dagdag ng senador.

“Asahan nating lalala pa kapag pumasok na ang dalawang karagdagang batch ng mga estudyante sa ilalim ng K to 12. Sa mga kagamitan naman, patuloy ang paghahati ng mga estudyante na umaabot sa ratio na apat na estudyante sa bawat isang modyul. Ang nasabing numero ay siguradong lalaki pa kapag napatupad na ang programa sa 2016,” diin ni Trillanes.

Ikinalulungkot din ni Trillanes ang patuloy na pagkakaroon ng volunteer teachers na kumikita lamang ng P3,000 kada buwan. Kinwestyon niya ang kakulangan sa training ng mga guro na kadalasan ay sumasagot sa gastos ng sarili nilang training bilang paghahanda sa pagpapatupad ng K to 12.

Matatandaang dati nang tinututulan ni Trillanes ang pagsasabatas ng K to 12 Program dahil sa mga nasabing problema na maaaring sumira sa magandang intensyon ng programa. (CYNTHIA MARTIN/NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …