NILAMPASAN na ng international pop star na si Shakira ang 100 milyong ‘like’ sa Facebook, para tanghalin siyang pinakapopular na public figure sa nasabing social site, makaraan nang pagsikat ng kanyang awiting La La La (Brazil 2014) para sa 2014 FIFA World Cup.
Ipinakita ng milestone ang impluwensya ng social media para makalikom ng dambuhalang audience—at i-connect nang direka ang mga fans sa dagliang paraan. Nag-post si Shakira ng ‘thank-you’ video sa kanyang mga tagasuporta sa kanyang Facebook account, na talaga namang kinagigiliwan at nagtala ng ‘liked’ na mahigit 162,000 tao sa loob lamang ng isang oras.
Sa YouTube, ang video para sa La La La—na inisponsoran ng Activia yogurt—ay pinanood na ng mahigit 236 milyong beses.
“Nakatulong ang social media, partikular ang Facebook, para matulayan ang gap sa pagitan ko at ibang mga artist sa entablado at audience,” ani Shakira.
Sa Twitter, na may mas maliit na user base sa lahat, si Shakira ay mayroong 26.1 milyong follower. Bilang karagdagan sa kanyang singing career, naging hurado siya sa The Voice ng NBC sa sunod-sunod na mga season.
Ang top 20 Facebook post ni Shakira ay nagresulta sa 39.7 milyong ‘like.’ Ang pinakanagustuhan niyang post ay isang larawan sa football field ng Maracanã Stadium bago ang World Cup final, na nagtala ng 3.5 milyong ‘like’ sa loob ng apat na araw. Itinanghal niya ang La La La kasama ang Brazilyanong musikero na si Carlinhos Brown sa closing ceremony ng World Cup.
Nag-hit ang 37-anyos na Colombian singer-songwriter ng 50 milyong ‘like’ noong buwan ng Mayo taong 2012. Sumali si Shakira sa Facebook noong 2008.
Kinalap ni Tracy Cabrera