Ang Private Benjamin 2 ang kauna-unahang full-lenght movie ni Richard Yap, na mas kilala bilang si Ser Chief sa kilig serye na “Be Careful with My Heart.” Kaya naman matindi rin ang paghahanda ni Ser Chief lalo pa’t ang big star na si Vice Ganda ang makakasama sa pelikula na Leading gay niya. Ang tanong ngayon ay kung kaya bang tapatan ng nasabing actor-businessman ang pagpapa-sexy, ni Derek Ramsay na unang naging leading man ni Vice sa part 1 ng Private Benjamin na pumatok nang husto sa takil-ya. Paano kung may kissing scene sila ni Vice sa movie at bigyan siya ng eksena na shirtless lang? Well ‘yung halikan nila ng gay comediane ay mukhang malabo pero ‘yung eksena na hubad siya ng pang-itaas posible pa dahil nagawa na ito ni Ser Chief sa isa sa kanyang mga pictorial. Sabi kahit may pagka-conservative si Ser Chief ay hindi naman siya homophobic. Paano kung ma-deve-lop si Vice sa kanya ano naman kaya ang kanyang gagawin? Sagot niya, imposible raw mangyari ‘yon dahil hindi siya ang tipo ni Vice. Alam niya daw ang mga type na guy ng kanyang kapartner sa project. Korek naman si Ser Chief dahil mga basketball player ang tipo ni Vice at hindi naman siya basketeer kundi isang negosyante. Ang pelikula nila ay isa sa official entries para sa Metro Manila Film Festival 2014 mula sa Star Cinema at Viva Films.
Another box office hit gyud!
“BE CAREFUL” THANKSGIVING SA BIG DOME, NGAYONG BIYERNES NA!
Makikanta, makisayaw, at maki-party kasama sina Maya (Jodi Sta. Maria), Ser Chief (Richard Yap) at ang buong cast ng “Be Careful With My Heart” sa libreng show na pinamagatang “I HEART YOU 2: The ‘Be Careful With My Heart’ Anniversary Thanksgiving.” Ang espesyal na pagdiriwang ng ikalawang anibersaryo sa daytime TV ng number one “feel-good habit” ng bayan ay gaganapin ngayong Biyernes (Hulyo 25), alas-otso ng gabi, sa Araneta Coliseum. Magpapasaya rin ng mga Kapamilya sa thanksgiving sina Erik Santos, Juris, Richard Poon, at Morisette Amon. Samantala, pa-tuloy na ma-inspire sa number one feel-good habit ng bayan, “Be Careful With My Heart,” araw-araw, bago mag-“It’s Showtime” sa Primetanghali ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa ABS-CBN.com, sundan ang @becarefulheart sa Twitter, at i-“like” ang official Facebook page ng show sa Facebook.com/becarefulwithmyheartofficial.
GRAND FINALS NG SUFFER SIREYNA SA EAT BULAGA MALAPIT NA
Hindi lang ang bawat pamilya ng mga kabilang sa 17 Grand Finalists sa “Suffer Sireyna” ng Eat Bulaga ang excited sa nalalapit na Grand Finals ng kuwelang-kwelang Gay Pageant. Maging ang mga Barangay Chairman sa iba’t ibang barangay sa Mega Manila na may kanya-kanyang manok na inaabangan na rin ang malaking event dahil bahagi ng premyong mapapanalunan ng grand prize winner o tatanghaling Suffer Sireyna na P200,000 cash ay P100K ang mapupunta sa kanilang lugar na malaking tulong para sa improvement ng kanillang Barangay. So sino kaya sa mga finalist, na makikilala n’yo na sa mga darating na episode ng EB, ang mag-uuwi ng kauna-unahang korona na siguradong magpapabago rin ng kanilang buhay. ‘Yung mga nangungutya sa contest ay mukhang nanahimik na. Maling-mali naman kasi ang ginawa nilang pagpuna lalo pa’t marami talaga ang nag-e-enjoy sa panonood sa mga hindi kagandahan at bato-batong bading na binigyan ng pagkakataon ng Bulaga na mag-shine on TV. Very exciting ang grand finals nito at tiyak na tutokan ito ng buong bansa.
ni Peter Ledesma