ni Nonie V. Nicasio
NAKA-MOVE-ON na raw si Nikki Gil sa masaklap na kinasapitan ng relasyon nila ng dating kasintahan na si Billy Crawford. Aminado ang aktres na nakikipag-date na siya ngayon. Exclusively dating ang status niya ngayon sa isang kaibigan noong college.
“I think sawa na talaga ang mga tao sa ganyang balita, na nakapag-move-on na. Kaya dapat na mag-move-on na talaga tayo,” saad ni Nikki sa launching ng musical play na The Last Five Years ni James Robert Brown sa Rockwell Makati recently.
Nilinaw din ni Nikki na nagkataon lang na ang dine-date niya ngayon ay non-showbiz, pero hindi naman daw siya na-trauma o naging man-hater dahil sa nangyari sa kanila ni Billy.
“Not that it’s a conscious choice but I mean it’s just I guess, it’s less complicated… I like the peace and the quiet it brings and I feel like I have given so much of myself to the public. If I can just keep this to myself, that would be fantastic.
“Actually surprisingly, hindi ako dumaan sa, ‘Ayoko na, pagod na ang puso ko, ayoko na, ayaw ko na sa lalaki, sasaktan lang ako!’ Because I know that these things happen at hindi lang naman ako ang nag-iisang nasaktan.
“Hindi ako nagdaan doon kasi para saan pa? Mag-aaksaya ka ng panahon na maging bitter and because you are bitter you fail to see the good things that are coming your way or good people that are in your life.”
Samantala, napabalitang nagkita sila ni Coleen Garcia sa isang trade event sa Subic, kaya inusisa ng press si Nikki kung nagbatian ba sila ng napapabalitang girlfriend ngayon ni Billy. At deretsahang sinabi ng singer/actress na, “No.”
Ipinahayag din ni Nikki na ayaw niyang makatrabaho si Billy. “I don’t think it’s necessary, because I am very transparent and so if I am not comfortable, the performance might suffer.
“We have done a year without having to work with each other so I guess we can continue on with that.”
Ang The Last Five Years na isang intimate, two-actors-only musical ay tinatampukan din niJoaquin Valdez. Ito’y handog ng 9 Works Theatrical at mula sa direksiyon ni Robbie Guevarra. Mapapanood ito sa August 9 to 31 sa Carlos P. Romulo Auditorium sa RCBC Plaza, Makati.
FINALISTS SA THE VOICE KIDS, NAKABIBILIB!
HANEP sa galing ang mga batang finalists sa The Voice Kids ng ABS CBN. Hindi ko naman talaga pinapanood ito pero na-curious ako nang marinig ko ang galing ng mga bata. Lagi kasing nanonood nito ang a-king dalawang tsikiting, kaya one time habang abala ako sa deadlines, bumaba ako sandali at nakipanood sa kanila.
Dito ko nga nasabi na iba talaga ang talento ng mga batang ito pagdating sa kantahan. Although ordinaryo lang na makakita ka ng mga Pinoy na astig sa kantahan, pero ibang klase ang mga bata sa The Voice Kids. Walang duda, world class ang mga nasabing tsikiting at kahit sino sa apat na bata ay malaki ang potensiyal na sumikat nang husto.
Ang apat na pumasok sa Finals ay sina Darren Espanto at Lyca Gairanod ng Team Sarah,Darlene Vibares ng Team Lea, at Juan Karlos Labajo ng Kamp Kawayan.
Lahat ng mga bata ay magagaling, pero ang bet ko talaga mula nang una kong marinig ay si Darlene. Nakaaaliw kasi siya at hindi mo iisipin na ang bumibirit kapag nagpe-perform na siya ay isang 10 years old.
Ang tatanghaling The Voice Kids grand champion ay mag-uuwi ng P1 milyon, one-year recording contract mula sa MCA Universal, house and lot, home appliance showcase, musical instrument showcase, at P1 mil-yong worth ng trust fund.