ni Rommel Placente
AYON kay Heart Evanglelista, okey na sila ng kanyang daddy, nag-uusap na raw sila nito. Pero sila raw ng kanyang mommy hanggang ngayon ay hindi pa.
Pero naniniwala si Heart na darating ang tamang panahon and in God’s time ay magkakaayos din sila ng kanyang ina.
So, kung ganyang hindi pa pala nagkakausap sina Heart at ang kanyang mommy, ibig lang sabihin nito hanggang ngayon ay hindi pa rin boto ang mommy ni Heart sa kanyang boyfriend na si Sen. Chiz Escudero.