SI Aljur Abrenica ang sinasabing dahilan ng hiwalayang Louise delos Reyes at Enzo Pineda. Nabisto raw kasi ni Enzo na bukod sa kanya ay karelasyon din ni Louise si Aljur na naging dahilan para makipaghiwalay siya sa dalaga.
Na ayon naman kay Louise ay wala silang relasyon ni Aljur kundi good friend niya lang ito. Naging close sila ni Aljur noong nagkasama sila sa isang serye. Inamin naman ni Louise na lumalabas sila ni Aljur pero hindi lang naman daw silang dalawa, kundi grupo sila.
Wala raw talagang third party sa hiwalayan nila ni Enzo. Pero mukhang may bahid katotohanan na may relasyon nga sina Louise at Aljur, huh!
Sabi kasi ni Enzo noong makausap namin siya ay hindi raw sila nag-uusap ngayon ni Aljur. Hindi na lang niya inilaborate pa kung bakit. Siguro nga ang reason ay nabisto niya ang namamagitan dito at sa kanyang ex, ‘di ba?
Sa ngayon daw ay naka-move on na si Enzo sa nangyaring break-up nila ni Louise. Tanggap niya na nang maluwag sa dibdib na wala na raw talaga sila ni Louise.