KINOMPIRMA ng Philippine Army 6th Infantry Division na isa sa mga namatay sa enkwentro ng militar at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ay ang kanang-kamay ni BIFF Commander Ameril Umbra Kato.
Ayon kay 6th ID spokesperson Col. Dixon Hermoso, napatay ang kanang-kamay ni Kato nang makipaglaban sa mga sundalo sa bahagi ng Brgy. Ganta sa Shariff Saydona Mustpha at sa Brgy. Damablas, Datu Piang, Maguindanao.
Kinilala ni Hermoso ang napatay na rebelde na sa pangalang “City Hunter.”
Kabilang si City Hunter sa mga miyembro ng BIFF na napatay sa mga naganap na sagupaan na nagsimula pa kamakalawa ng madaling araw.
13 PATAY, 9 SUGATAN
COTABATO CITY – Umakyat na sa 12 ang namatay sa mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) habang isang sundalo ang casualty, at siyam na mga sibilyan ang tinamaan ng mga ligaw na bala.
Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division Phil. Army spokesman Col. Dickson Hermoso, pinakahuling sinalakay ng BIFF ang detachment ng Army at Cafgu sa Brgy. Dungguan sa Aleosan, North Cotabato.
Lomobo rin ang bilang ng mga sibilyan na nagsilikas mula sa bayan ng Shariff Saydona Mustapha, Datu Salibo at Datu Piang, Maguindanao.
Habang pinabulaanan ni Bangsamoro Islamic Freedom Movement (BIFM) Spokesman Abu Misry Mama na may namatay sa kanilang panig maliban lamang sa mga nasugatan.