Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angelica, OA na sa panggagaya kay Kris (Career ko bilang komedyante, nagbabalik)

072314 Kris Aquino angelica panganiban

ni Timmy Basil

ACTUALLY, hanggang ngayon ay very nakakatawa pa ring panoorin si Angelica Panganiban sa tuwing  ginagaya niya si Kris Aquino.

Matagal na niyang ginagawa ito (along with Jayson Gainza na ini-spoof naman nito si Boy Abunda) sa Banana Split and everytime na ginagaya ng dalawa sina Boy at Kris ay mukhang patindi na nang patindi.

Siyempre, kapag nag-i-spoof ka, dapat exaggerated that’s why ‘yung simpleng pagpaling-paling ng ulo ni Kris ay super exaggs ang ginagawa ni Angelica na sinasabayan pa ng pagtirik ng mata. At sa tuwing ginagawa ito ni Angelica, may tugtog pang Ikot-Ikot Lang ni Sarah Geronimo.

Napapanood kaya ito ni Kris?

Hindi kaya sumosobra na si Angelica sa pag-i-spoof kay Kris or ini-enjoy na lang ito ni Kris?

At si Boy naman, oks lang ba sa kanya na super exaggs ang ginagawa ni Jayson sa kanyang kilay? As in super kapal talaga, hahahaha.

Career ko bilang komedyante, nagbabalik

SA totoo lang, tanggap ko na sa sarili ko na hanggang sa pagsusulat na lang talaga ako at hindi na ako makikipagsiksikan pa sa mga batang  mang-aawit/comedian.

Noong araw kasi ay ako si Mariah Kare-kare at ilang comedy bars na rin ang aking regular na pinagtanghalan at nagtagal talaga ako sa sing-along bar ni Mystica noon sa Libis. Naging regular performer din ako sa Kengkoy’s Bar sa may itaas ng Marlon’s Billiards noong araw. Regular din ako sa isang bar sa may Avenida, Rizal,  sa Night Venue ni Purita Cabauatan at napakarami pa.

Pero mula nang ipinost ko sa aking FB ang aking lumang larawan na naka-mujer as Mariah Kare-kare, aba muli akong nagkaroon ng career at noong  Friday nga ay kinuha akong performer sa J Centre Mall sa Mandaue City sa birthday show ni Gil Wagas, ang Pinoy na sumali last year sa Mister International na he ended up as fourth runner-up.

Si Gil din ang kinuha ni Jim Acosta bilang Brand Ambassador ng New Placenta for Men.

Tuwang-tuwa ang mall goers at viewers ng naturang show at dahil doon maraming kumuha ng numbers ko at kukunin daw nila akong performer sa mga event nila.

O ‘di ba, bongga. Nakatutulong talaga ang Facebook, hehehehe.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …