MISTERYOSA MAN MALAKAS ANG DATING NI MARY JOYCE NA HINDI KAYANG BALEWALAIN NI JOMAR
Inside job ba ang naganap na krimen?
“Tratuhin natin bilang suspek ang lahat ng tao sa mansion noong maganap ang krimen,” ang wika ng team leader ng mga police investigator.
Muling nanatili si Jomar sa inookupa-hang kwarto ng hotel.
Kinabukasan ay hindi pa rin siya nakapag-report nang personal sa kompanyang pinaglilingkuran. At pinagtatawagan na lang niya ang mga katransaksiyon sa linya ng kanyang hanapbuhay. Doon sa hotel siya naghintay sa tawag o text ni Mary Joyce. Pero lumipas ang buong maghapon nang ‘di man lang kumontak sa kanya ang dalaga.
Gabi na naman. Mag-aalas-diyes nang matanggap niya ang tawag ni Mary Joyce.
“Talagang mas mahirap para sa akin ang lumabas ng rest house…”anitong nasa tinig ang kawalan ng sigla. “’Di papayagan ang mga sekyu at ang bantay ko na umalis ako nang nag-iisa… Tiyak na eeskortan pa nila ako…”
“Ibig mong sabihin, ako ang dapat magpunta dyan sa rest house n’yo?” paglilinaw ni Jomar.
“Kung pwede sana… Please!” paglalam-bing sa kanya ng dalaga. “Iiwan kong bukas ang gate sa likod ng rest house…. Akyatin mo na rin ako sa aking silid sa itaas…”
Magagawa ba ni Jomar na balewalain ang kagandahan, kaseksihan at kabanguhan ni Mary Joyce na handa naman niyang ipatikim sa kanya?
Marami nang babae ang dumaan sa kanyang mga kamay pero tila kakaiba ang da-ting sa kanya ni Mary Joyce. Pakiwari niya ay para itong mabangong bulaklak na makatas at matamis na nectar. At mukha pang sabik sa isang adan. Pero sa isang sulok ng utak niya ay naroroon ang re-serbasyon na pagdating sa sex ay tipong “wild and daring” ang dalaga.
Bilog na bilog ang buwan sa kala-ngitan. Bukas ang pintuang-bakal na nalilikuran ng rest house. Maging ang pinto sa ibaba nito ay nakabukas din. Tuloy-tuloy siyang naglakad papasok doon. Sa gawing kaliwa ay naroroon ang hagdang paakyat sa ikalawang pa-lapag ng rest house. At ayon sa pagka-sabi ni Mary Joyce, ang sarili niyang kuwarto ay nasa gawing kanan makaakyat ng hagdanan.
Madilim ang itaas ng rest house. Pag-akyat dito ni Jomar, ang silid na tanging may nakasinding ilaw ay ‘yun lang nasa gawing kanan niya. (Itutuloy)
ni Rey Atalia